Chapter 21

32 2 0
                                    

***

Nagising ako dahil sa malalakas na katok sa pinto.

Bumangon na ako at pinagbuksan ng pinto kung sino man yung kumatok.

"Good morning ate..."
Nakangiting mukha ni Grey ang bumungad sa akin tsaka nakatayo sa likod niya si Kiel.

Bihis na ang dalawa at gwapong-gwapo.

Samantalang ako, hehehehe!

"Tara na Jekyll.. Malayo pa ang byahe."
Napabuntong hininga ako marahil ay inaantok pa talaga ako. Busangot ang mukha na tumingin ako sa dalawa.

"Dapat ba talaga akong sumama?"

Kinurot ni Kiel yung pisngi ko samantalang hinila naman ni Grey ang kanang kamay ko.

"OO/OPO!"
Sabay na tugon nila.

"Isipin mo nalang, family day natin to."
Tangena!

Family day daw !?
Ano na namang kalokohan ang pumasok sa kokote ng Ezekiel na ito?

Baka bukas makalawa, bigla na namang magbago ang ihip ng hangin at luluwag na naman yung turnilyo ng utak niya.

"Hahaha! Namumula ka. Maligo ka na nga."
Tinulak niya pa yung noo ko kaya sinara ko agad yung pinto nang marealize ang pamumula ko.

My ghad! Kailangan ba talagang mamula kapag kikiligin? I mean, di naman ako kinilig dun no?

Baka nga arte niya lang yun.

Sheeemay!!

Peto takte lang! Dito talaga sila natulog? Sure?

After 2 hours, nasa orphanage na kami. Sinalubong kami ng iilan sa mga bata na naroon.

"Greeeeey!"
Wala pang isang minuto ay nakalayo na si Grey dahil hinila na ng mga bata.

"Tara."
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

"Iiwan muna natin si Grey sa mga kasama niya. May ipapakita ako sayo."

Hindi ako umimik.

Tsaka iniisip ko yung mga inaakto niya nung nakaraan.

"Akala ko ba di tayo close? Bakit sinama mo ako dito?"
Napahinto siya at lumingon sa akin.
Lumipas pa ang ilang sandali na seryosong tiningnan lang niya ako.

Nakakailang pero hindi ako nagbawi ng tingin. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya.

"Nagbago na ang isip ko."
Ngumisi pa siya pagkasabi nun.

"Ang gulo mo Kiel. Ano ba talagang pinaplano mo ha?"
Kumunot ang noo niya at nagbaba ng tingin.

"Wala naman akong pinaplano. Basta, hayaan mo na. I'll get back to you pag ayos na lahat."

He smiled and turn his back tsaka naglakad na.

Hay naku! Ewan ko talaga sayo Kiel.

Tumalikod na din ako para hanapin si Grey. Baka ano nang nangyari dun.

***
Tuwang-tuwa pa ako habang nakikipaglaro sa mga bata nang kalabitin ako ni Grey at may nginuso siya sa likuran ko.

Paglingon ko, nakabusangot na mukha ni Kiel ang bumungad sa akin.

Lumapit ito sa akin na may masamang tingin na tipong may kasalanan akong nagawa sa kanya.

"Oy! Ano ba?"
Reklamo ko dahil bigla niya akong hinila.

Nung lumingon naman ako sa mga bata ay wala naman silang pakialam at inosenteng nakatingin lang sa amin.

"Nakakainis ka Jekjek. Di ka sumunod sa akin."
Nagtatampong sabi niya. Nakanguso pa at nagdadabog.

How To Be Pretty | CompletedWhere stories live. Discover now