Chapter 6:
***
Akala ko, nakaligtas na ako sa pangungutya nila dahil pinahanga ko sila sa pag kanta ko.
Pero nakalimutan kong ayaw pa rin pala nila sa hitsura ko.
I totally forgot that people's misjudgment will last until you've proven enough yourself. At maliit na bagay lang naman yung nagawa ko para mabago agad ang tingin nila sa akin.
"Tuwang-tuwa ka namang panget ka!?"
Kakarating ko palang sa paaralan ay yan na ang bumungad sa akin.Kaharap ko ngayon si Danica at yung tatlong alipores niya; Jaira, Janette at Lyka.
Hindi sila naka-uniform marahil ay simula na nang foundation week.
"Sabihin mo nga? Anong pinakain mo kay Kiel at mukhang bumait na sya sayo?"
Nagulat ako sa sinabi niya kaya taas ang kilay na tinapunan ko sila ng tingin.
Like what? Si Kiel? Bumait? Sa akin? Bakit hindi ko alam yun?
"Wala akong alam sa sinasabi mo Danica."
Sabi ko para makaiwas. The more na makikipag-usap pa ako sa kanila, the more na mas ipapahiya lang nila ako.Aalis na din dapat ako pero hinila ako ni Jaira at Lyka tsaka hinawakan paharap kay Danica.
"Wag kang masyadong magpakasaya porke't pinuri ka dahil maganda ang boses mo. Panget at dukha ka pa rin. Walang magkakagusto sayo, not even Kiel. Dapat kinain mo yung boses mo para gumanda ka naman."
Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya."Alam mo Danica, naiinsecure ka yata sa akin eh."
Tumawa silang apat at nag-apiran.
"Wow! I can't believe it. Sampalin ko na ba Dani gurl? Nag-iilusyon eh."
Sabi ni Janette na may kalakasan na tinatapik ang pisngi ko kaya napapikit-pikit ako."What? Hahaha! Ako? Maiinsecure sa panget at dukha na kagaya mo? Oh c'mon Jekyll. I have everything. I'm rich, pretty, sexy and I'm way better than you."
Naiiling na pinapakinggan ko lamang siya.I'm getting really bored.
It's like I'm arguing with a kindergarten kid who pisses on her underwear.But for the sake of fun, papatulan ko na to. Minsan talaga hindi ko kayang manahimik eh.
"I agree that you are pretty. The four of you."
Putol ko sa sinabi ko at ngiting tagumpay naman sila.Magsasalita na sana si Danica pero hindi ko sya hinayaan.
Aba! Hindi pwedeng siya nalang lahat.
"But I don't think that you are rich. Tingnan niyo nga yung suot ninyo!? Kulang-kulang sa tela. Seryoso? Di kayo makabili ng matinong damit? Akala ko ba mayaman kayo?"
Napatawa sila ng sarkastiko at sabay na napatingin sa suot nila."Anong sabi mo? Oh Gosh! You're really ignorant. Alam mo ang tawag dito? Fashion. Or baka inggit ka kasi unlike us, you are not sexy. Wala kang mailalantad."
Mas natawa ako sa sinabing yun ni Lyka.
Tinanggal ko ang pagkakahawak nila sa akin at matapang na hinarap sila.
"Bakit naman ako maglalantad ng katawan ko? Hindi naman paninda yung katawan ko para ilantad sa kung sino man at saan saan man."
Walang emosyong sabi ko at iniwan silang asar sa kinaroroonan nila.
"Jekyll..."
"Ano?"
Singhal ko sa tumawag sa akin."Aah.. Ayos ka lang?"
Nilingon ko siya at tiningnan ng masama."Tingin mo okay lang ako? Nakita mo naman siguro yung nangyari diba?"
Hindi ko na napigilan na magtaas ng boses. Pinagtitinginan na rin ako ng mga kaklase ko kaya minabuti ko nalang na lumabas sa room at nagtungo sa pinakamalapit na rooftop."Jekyll..."
"Potangena Kiel! Ano bang kailangan mo at sunod ng sunod ka sa akin?"
Napaatras naman siya dahil sa sigaw ko. Naiinis kasi ako.Siya naman ang dahilan kung bakit ang init ng dugo ni Danica sa akin.
"Tatanungin lang naman sana kita kung pwede na ba tayong magsimulang mag practice. Tatlong araw nalang kasi bago ang Face Off."
Kumakamot sa ulong sabi niya habang nakayuko.Marahas akong napabuga ng hangin at sumigaw ng walang boses.
AAAAAARGHHH! Nakakaasar!
"Aminin mo nga Kiel. Sinadya mo bang lumapit-lapit sa akin para pag-initan ako nyang girlfriend mo? Well congrats! Nagtagumpay ka."
Galit na sabi ko sa kanya at matalim ang mga mata siyang tiningnan."Hindi ko nga girlfriend si Danica. Bakit ba pinipilit mo? Atsaka bawal naba akong lumapit sa kaklase ko?"
"Paanong hindi eh siya na mismo ang nagsabi! At kung hindi ka rin manhid, pinagseselosan niya ako kahit na ang panget panget ko."
"Kaya pwede ba?! Kung may awa ka sa akin bilang tao, wag kang lumapit sa akin at pagsabihan mo yang nobya mo na tigilan na niya ako dahil kahit kailan, wala akong pakealam sa buhay ninyo."
"Gusto ko lang naman na mag-aral ng payapa eh. Di baleng lait-laitin na ako ng lahat dahil ganito ako basta hwag lang akong madamay sa buhay ng ibang tao."
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nilalabas ang saloobin ko.
Nagbago naman kasi ang lahat simula nung pinapansin-pansin niya ako. Na-hospital pa ako dahil sa kanya kaya wala talagang mabuting naidulot ang paglapit-lapit niya sa akin.
"Gusto ko lang naman na patunayan sayo na hindi masama ang ugali ko."
***
![](https://img.wattpad.com/cover/210639656-288-k476386.jpg)
YOU ARE READING
How To Be Pretty | Completed
Teen Fiction"Beauty is not always on the outside. But mostly it is found within you." Date Started: December 30, 2019 Date Completed: March 28, 2020 ©All Rights Reserved