Chapter 8

37 2 0
                                    

Chapter 8:

***

Hindi siya makasagot-sagot sa tanong ko kaya talagang sinunod-sunod ko kung saan siya babaling.

"Tumigil ka nga! Nakakahilo yang ginagawa mo."

"Paano mo nga nalaman na may kuya ako?"
Tanong ko dahil wala naman akong nabanggit  tungkol sa kanya.

Kasi alam kong ikukumpara lang nila ako.

Hindi sa galit ako kay kuya Jack, ayaw ko lang na madawit yung pangalan niya sa gulo ko na hindi naman talaga ako ang simula.

"Sa ano... Sa Facebook mo.. Oo! Tama!"

At mas lalong wala kaming koneksyon ni kuya doon. Wala nga akong Facebook eh. Instagram lang na ang mga laman pa ay picture lang ng mga hayop.

"Pinagloloko mo lang ako."

"Tss.. Ano naman? Magpractice na nga lang tayo."
Naupo ako sa lapag dahil sumakit yung ulo ko bigla.

"Uuwi na ako. Bukas nalang tayo magsanay."
Pagkasabi nun ay lumabas na ako sa room na yun habang nakasunod siya sa akin.

Panay pa yung reklamo niya na hindi ko na inabalang pakinggan.

"Hoy babae ka! Ano na namang sinusumbong mo kay mommy?"
Napahilot ako sa sentido dahil sa pagdating ni Danica. Gulat pa siya ng makitang kasama ko si Kiel.

Mas lumaki yung mata niya nang madako ang paningin sa suot ko.

My ghad!! Another gulo na naman to.

"And why the hell are you wearing Kiel's uniform?"
Parang mapupunit na yung noo niya sa pagka-kunot.

Gigil na gigil ang ating bida mga kaibigan.

"So, anong tanong ang gusto mong unahin ko sa pagsagot?"
Walang gana kong sabi dahil sa totoo lang, nakakapagod makipag-away sa mga makitid ang utak.

Nakakabobo. Tangena!!

"Are you playing with me? Just fucking answer my question you ugly freak."
Ouch ah!! Sinasagi na naman niya yung pagiging unbeautiful ko.

"Kiel, pwedeng iwan mo muna kami?"
Ang taray ko sa part na yun pero umalis nga si Kiel na may pagtataka sa mukha.

Tae mo Kiel! Ikaw talaga ang dapat sisihin dito eh.

"First of all Danica, para sagutin yan walang kwenta mong katanungan, hindi ko ugali ang magsumbong. Kahit yung ginawa mo nung nakaraang araw sa akin wala akong pinagsabihan nun. At kung ano mang sinabi ng mama mo ay wala na akong alam dyan. O baka nakalimutan mong dati palang, mabuti na ang loob ng mama mo sa akin."

"How dare you!? Ang kapal ng mukha mo!

"Oo makapal talaga ang mukha ko dahil sa napakaraming pimples. At para sagutin ang huli mong tanong, I mean, ikaw naman ang dahilan kung bakit pinahiram sa akin ni Kiel yung polo niya."

Hindi siya umimik pero alam kong nagpupuyos ang loob niya sa galit at inis.

"Salamat nga pala sa free bath kanina Danica. Tuloy, pinasuot ni Kiel yung polo niya sa akin."

Sabi ko nang may ngiting pang-asar tsaka siya nilagpasan.

Ginawa ko talaga yun para maasar siya lalo pero God knows hindi ko ginustong suotin ang uniform nang lalakeng iyon.

Hindi pa ako nakalayo ay nakaramdam ako na may humila sa buhok ko.

"MALANDE KANG BABAE KA!"
Sigaw niya habang gigil na gigil sa buhok ko.

How To Be Pretty | CompletedWhere stories live. Discover now