Chapter 15

40 2 0
                                    

Yung umaasa ka tapos biglang binawi naman ang pag-asa mong iyon?

Nakakaasar diba?

"Umm... Jekyll."
Napatigil ako sa paglakad dahil may tumawag sa akin at nilingon ko ito.

"Ako nga pala yung kahapon."
Napatango ako ng maalala.

"Tanungin lang sana kita kung pwede ka ba mag perform dun sa party ng class namin."

"Ahh... Di ako sigurado eh. Ako lang ba?"

"Kung pwede si Kiel ay isama mo. Pero mas importante ka naman kaya ayos lang kung hindi siya sasama."
Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi kasi hindi ko naman siya kilala.

"Aah.. Pag-iisipan ko muna ah."

"Okay. Pag nakapagdesisyon ka na, nasa section Harmony lang ako."
Nakangiting sabi niya at tumalikod na pero humarap ulit.

"Bakit?"
Tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo.

"Ah...ako nga pala si Hilton. Nice meeting you."
Ngumiti siya ulit tsaka tuluyan ng umalis.

Kibit-balikat na naglakad naman ako papuntang room.

"Sino yun?"
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kiel sa tabi ko.

"Si Hilton."
Kumunot naman yung noo niya at masamang nakatingin sa harap.

Problema niya diyan?

"Anong pinag-uusapan niyo?"
Hindi na sana ako sasagot pero may kinalaman naman siya dun kaya napagpasyahan kong sabihin nalang sa kanya.

"Wag kang pumunta doon."
Sabi niya pagkakwento ko.

"Bakit naman? Mukhang masaya kasi tsaka kakanta lang naman tayo dun. Pwede naman sigurong umuwi pagkatapos?"

"Basta. Hindi ako pupunta kaya ikaw din."
Aangal pa sana ako kaya lang tinamad na ako.

Tss...at sino naman siya para pakinggan ko?

"Bilib din ako sayo Kiel. Kahapon si Danica, ngayon naman si Jekyll. Sino ba talaga sa kanila?"
Nagulat ako sa pagsulpot ni Harold. Magkaharap sila ni Kiel at ako naman ay nasa likod lang ng huli.

"Ano naman sayo?"
May diin sa boses na sabi ni Kiel.

"Kung niloloko mo lang si Jekyll, hiwalayan mo na siya."
Nais kong ma touch sa concern ni Harold at the same time matawa dahil wala namang namamagitan sa amin ni Kiel.

"Ano ba Harold. Tigilan mo na nga ako. Kiel tara na sa room. Baka late na tayo."
Hinila ko pa si Kiel pero hinila ni Harold yung isa kong kamay kaya napabalik ako.

"Hindi ako kumbinsido na magkarelasyon kayong dalawa."
Sabi niya habang patawid-tawid ang tingin sa amin ni Kiel.

"Hindi namin kailangang e convince ang sinuman dude. Relasyon namin to kaya wag kang makealam."

Parang kiniliti ang tiyan ko sa sinabi ni Kiel. But we all know he's just acting.

"Ganito nalang. Titigilan ko na kayo, titigilan na kita Jekyll in one condition."
Parang kinakabahan ako sa sinabi niya.

I hate conditions. Buti sana kung air conditioner yun or fabric conditioner.

"Shoot!"
Maangas pa na sagot ni Kiel tsaka nakita kong nag smirk si Harold.

Wait... How much trouble am I in?

"Mag kiss kayo sa harap ko."..

GHADDAMMIT!!

" ARE YOU INSANE HAROLD? Bakit naman namin gagawin yun?"

"Kung totoo kayong magsyota, it's an easy thing to do. Right?"

How To Be Pretty | CompletedWhere stories live. Discover now