Chapter 4:
***
Jekyll's POV
Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang puting paligid. Amoy na amoy din ang ibat-ibang klase ng gamot ay disinfectants. Walang duda, nasa hospital nga ako.
Wow! First time yun.
Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naaalala na na-confine ako sa hospital.Bigla ko namang naalala yung nangyari kaya ako humantong dito.
Nabagok ako at nawalan ng malay. Kaya siguro masakit ang ulo ko?Nang kapahin ko ay may benda din ito.
Sana pala mas malakas pa yung pagkabagok ko para magka amnesia ako at mawala lahat ng masasamang alaala sa isip ko.
"Anak! Buti gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Nalingunan ko naman si mama na papalapit sa akin.May kalokohang pumasok sa isip ko. Hihihihi! Alam kong masamang biro to pero try ko pa rin. Haha!
Mas maganda sana pag may video para panoorin ko pagkatapos.
"S-sino po kayo?"
Kunyare ay di ko siya maalala. Nakita ko namang bahagya siyang natigilan kaya napahagikhik ako sa isip."A-anong nangyari sayo?"
"A-ano pong p-pangalan ko? Sino po k-kayo?"
Akala ko iiyak na si mama pero umaliwalas yung mukha niya at ngumisi sa akin."Aah.. Nagkamali ako ng pagpasok. Di pala eto yung room ng anak ko."
Napanganga ako ng lumabas siya.What!?
"MAMA?! TALAGA BA!?"
Pumasok naman siya at pinitik ang noo ko."Gaga ka! Sinong maniniwalang may amnesia ka?! Tss... Sino bang may gawa sayo nito?"
Tahimik lang ako kasi ayaw kong malaman niya. Baka mas lumaki pa ang gulo.."Anak. Alam kong binubully ka sa paaralan niyo pero di naman yata tamang saktan ka lang nila ng basta-basta. Alam mo bang nag-aalala ako sayo? Paano nalang kung... Kung..."
Niyakap ko si mama dahil umiyak na siya samantalang natawa lang ako."Ma, ayos lang yun! Di ko naman sila hahayaang sasaktan ako. Hindi ko lang napansin yung kanina kaya di ako nakalaban."
Paliwanag ko sa kanya para di na siya mag-alala. Ang totoo niyan, malakas talaga yung pagkakasabunot sakin ni Danica kaya ganun nalang ang epekto nung nabagok ako."Panget ka anak pero di kita pinanganak na weak kaya lumaban ka hanggat nasa katuwiran ka."
Napabitiw ako kay mama. Kainis naman to!? Kailangan ipapaalala yung hitsura ko?"Ma? Ang bully mo."
Maktol ko at sumimangot. Kinurot niya lang yung ilong ko."Heh! Pero ang gwapo nung binatang tumulong sayo. Sino yun anak? Boyfriend mo?"
Napaisip ako sa sinabi ni mama."Gwapo po?"
Suddenly, a list of handsome creatures flashed on my mind but it suddenly crumpled nang maalalang imposible na sila ang tumulong sa akin. -1% possibility. -_-"Oo! Gwapo! Tsaka feeling ko mabait. Bakit di mo sinabing may jowa ka na?"
Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay."Tingin mo ma, papatol yun sa tulad ko?"
Mukha namang napaisip siya dun."Oo nga no?"
Ang walang hiya, sumang-ayon pa.Huhuhu! Mama ko ba talaga to?
Di ba pwedeng sabihin niyang "Eh ano naman? Mabuti naman ang kalooban mo." ganun.
Buong oras na nananatili ako sa hospital ay yun ang iniisip ko.
Kasi ang totoo, wala akong kakilalang gwapo at mabait sa skwelahan namin.
Gwapo, meron pero mabait? Malabo.
Speaking of gwapo...
Nagulat ako sa pumasok na lalake na may dalang prutas...OMG!
"JACK?"
Nang masiguradong ang kuya ko kang shunga ay napasigaw ako."KUYA JACKOOOOL!"
Sigaw ko nang makapasok siya."Oh God! Jekyll naman!? Kailan mo ba ako titigilan sa tawag na yan?"
Asar na sabi niya habang nilapag yung dalang prutas sa tabi ng bed ko.Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.
"I miss you kuya. Buti napadalaw ka."
Kumalas na din ako sa yakap para makaupo na siya."Of course. I should witness my only sister's first hospital admission. Kumusta na pakiramdam mo? Ano bang nangyari?"
Napa buntong-hininga ako. Ayaw ko kasing pag-usapan yun."Ayos lang kuya. Alam mo na, medyo lampa tong kapatid mo."
Umiling lang siya at tumingin sa akin na parang hindi naniniwala."Tss... Pag nalaman ko, humanda sa akin ang may gawa nito."
I can see how his eyes sharpen at napalunok pa ako ng kumuyom yung kamao niya at pinatunog yung mga buto.Geez, kakatakot!
"Hayaan mo na kuya. Buhay pa naman ako."
Sabi ko nalang kasi mukhang napipikon na siya at galit ba galit usto manaket.Minsan na nga lang siya magpakita tapos hindi pa maganda yung aura niya.
"Saan nga pala si mama?"
Tanong niya at umupo sa tabi ko saka humarap sa bedside table."Umuwi sa bahay. May kukunin daw."
Binigyan niya ako ng orange na binalatan niya kaya kinain ko naman ito."Sino yung nasa labas? Boyfriend mo yun?"
Nalunok ko yung buong orange kaya nabilaukan ako."Ano ka ba kuya!? Anong boyfriend?!"
Umuubong sabi ko.Pinagloloko yata ako ng isang to eh.
"Oo nga. Papasukin ko ah?"
Wala akong nagawa nung lumabas siya at pagbalik ay nakakunot na ang noo."Ano?"
Tanong ko dahil mukhang balisa yung mukha niya. TSS. Pinagtitripan talaga ako eh. Nagkasundo pa yata sila ni mama tungkol don.Di ba nila alam na lihim akong umaasa na totoo yun? Hehe~
"Nawala eh. Sino yun? Gwapo nang isang yun ah."
Parang mangha pa niyang sabi habang nanunuksong tumingin sa akin.Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo kuya! Niloloko mo lang talaga ako."
Seryoso parin yung mukha niya pero hinayaan ko nalang.Kinabukasan ay nakalabas na ako at pumasok na.
Ayaw pa sana akong payagan pero nagpumilit ako.
Pagdating sa paaralan ay tsaka ko lang naalalang ngayon na pala yung practicum sa Music.
Shit!!
Wala pa akong practice!***
YOU ARE READING
How To Be Pretty | Completed
Roman pour Adolescents"Beauty is not always on the outside. But mostly it is found within you." Date Started: December 30, 2019 Date Completed: March 28, 2020 ©All Rights Reserved