Chapter 12:
***
Pagkatapos ng performance namin ay bumaba na agad kami at bumalik sa kinauupuan. Nakita ko naman si Aelah na kabado habang kausap si Caleb na kapares niya. Hindi pa siguro sila naka present.
"Jekyll... Bakit bigla kang nawala kanina?"
Takang tanong niya agad hindi pa man ako nakaupo."Uhh... Sumakit kasi tyan ko kaya ang tagal kong nakabalik."
Kahit hindi naman talaga ay ayaw ko na ring sabihin ang totoong dahilan.
"Ayos ka na ba? Buti nalang may pakulo pa kaya nausog yung start.."
That answered my question earlier.
Hindi pa din pala ako ganun ka malas.
"Tawag na kami. Maiwan ka na muna Jekyll."
"O sige. Good luck sa inyo Aelah."
"Good luck sa confession ko. Hahaha!"
"Aelah! Tagal mo naman."
Kunot-noong tawag ni Caleb sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at kumindat."Atat si malabs."
Tumawa nalang ako dahil kinuyog na siya ni Caleb at sinermonan.Ang cute lang nung dalawa.
Kami kaya ni Kiel? ...
Ay joke lang.
"Hindi ako naniniwala."
Napalingon ako ng magsalita siya bagama't nakaharap siya sa entablado at akala mo ay nanonood."Ako ba kausap mo?"
Nilingon niya agad ako at napapailing."Sinong may gawa nun?"
Tanong niya pero umakto akong walang alam."Ng alin ba? Ayusin mo nga yung tanong Kiel."
"Bakit sinarhan ka dun sa CR? Sinong may gawa nun? Bakit ba kasi hindi ka nagpaalam sa akin?"
Nagulat ako dahil sa inakto niya."Galit ka ba?"
Tanong ko at napabuntong-hininga siya at sinamaan ako ng tingin."Really? You made me fucking worried and I'll saw you in that damn place crying. Who would not be angry?"
Napanganga nalang ako dahil sa outburst niya. Napalingon na rin yung mga nasa malapit dahil pasigaw yung pagkakasabi niya nun.
"Oy oy oy!! Saan ka pupunta?"
Takang tanong ko at napilitang sumunod sa kanya dahil kinaladkad na niya ako.Tumigil lang siya nang nasa labas na kami at nasa walang tao na parte ng mini arts.
Rinig dito ang kumakanta sa loob na malamang sina Aelah at Caleb.
[Playing: Beautiful in my Eyes]
"Be honest. Sinong nag-lock sa iyo doon?"
He ask plainly kaya napayuko nalang ako.Ayaw kong sabihin baka magkakagulo na naman.
Kahit papaano, may kaunti pa akong pagpapahalaga sa kung ano man ang meron kami ni Danica noon kahit sa kabila ng ginawa niya sa akin.
I know she is not that bad. Kilala ko siya.
Ang hindi ko lang siguro alam ay ang dahilan kung bakit biglang sumama ang kanyang ugali.
"Hindi ka ba talaga sasagot?"
"Wala nga. Bakit ka ba tanong ng tanong diyan?"
"Tingin mo maniniwala ako?"
Ano bang nangyari sa isang eto? OA kung maka-react porket siya yung nakakita sa akin dun. Hmp!
![](https://img.wattpad.com/cover/210639656-288-k476386.jpg)
YOU ARE READING
How To Be Pretty | Completed
Tienerfictie"Beauty is not always on the outside. But mostly it is found within you." Date Started: December 30, 2019 Date Completed: March 28, 2020 ©All Rights Reserved