Chapter 10

38 2 0
                                    

Chapter 10:

***

"Aray!! Pwede dahan-dahan naman?"
Tinapon ko sa kanya yung bulak at tumayo sa harap niya.

"Ano ba kasing kalokohan ang iniisip mo kanina?"
Imbis na ako lang yung dapat nakahiga at nagpapahinga sa clinic, ngayon ay pati siya pasyente na rin.

"Wala... Katuwaan lang. Ang cute mo kasi pag napikon."
Kinunutan ko siya ng noo at inambahan ng suntok..

"Woah! Easy!"
Sabi niya sabay taas nung dalawang kamay sa harap niya as if ginawang shield.

"Hindi ko naman akalaing dadating yung stalker mo at suntukin ako ng walang humpay."

Tama yung narinig niyo!
Kasagsagan ng kalokohan niya ay may humablot sa kanya at pagkaharap na pagkaharap niya ay pinaulanan agad siya ng suntok ni Harold.

Hirap akong awatin yung dalawa dahil wala yung nurse, umalis.

"Kung hindi mo ginawa yung kung anong kalokohan mo, hindi sana ako makapangako ng isang date sa weirdo na yun. Tangena mo talaga Ezekiel Ruiz!! Ang malas mo sa buhay."

"Edi wag kang pumunta kung ayaw mo. Simple!"

"Aba! Ikaw kaya sa kalagayan ko?"

"Sabihin mo nalang na may boyfriend ka na para tigilan ka na nun."
Napapaisip naman ako sa sinabi niya at may punto siya dun.

Bakit nga ba di ko yun naisipan? Pero...

"Aber!! Sino namang ihaharap ko? Siguradong hindi parin yun titigil hanggat wala yung nakikita."

"Aba! Problema mo na yan."
Napabuntong hininga ako at tumingin nang masama sa kanya tsaka pinaghahampas siya..

"Ikaw talaga ang dahilan nito eh!! Simula nang lumapit ka sa akin, minamalas na ako sa buhay."

"Aray!! Ano ba!? Ba't ako ang sinisisi mo eh noon ka pa naman talaga malas. Aray... Tumigil ka kung ayaw mong halikan kita dyan!"
Nanlaki ang mata ko at nananatiling nasa hangin yung kamay ko na ihahampas sana sa kanya.

Okay...

Pwede pahampas ulit!?

Ay anubayan!!

Bahala nga siya diyan.

Lumabas ako ng clinic dahil pakiramdam ko gumaling na ako dahil sa nangyari kanina.

Lumabas yung mga masasamang tubig sa katawan ko kakaawat sa kanila.

KAKATAPOS lang naming mag practice nina Kiel kaya lumabas na ako sa room.

Last day na namin para magsanay dahil bukas na ang Face Off.

Napagdesisyunan kong harapin si Harold dahil gusto ko na ring matapos ang kabaliwan niya.

Ewan ko nga doon eh gandang-ganda siya sa akin samantalang ang panget panget ko naman.

Sana yung mga katulad nina Danica yung ini-istalk.

Paano nalang kaya kung maganda ako? Siguro hindi lang isa yung stalker ko?

Ay shit!! Ang yabang!

Hindi ako nahirapang hanapin siya dahil pakalat-kalat lang siya sa campus.

"Harold.."
Tawag ko sa kanya at ang laki ng ngiti niya na lumapit sa akin.

Kinakabahan ako pero kailangan ko talaga tong gawin.

"Jekyll.. Thanks for giving me a chance. Tara doon sa likod ng library."
Sumunod nalang din ako kahit kabado para naman hindi siya mapahiya kung sakaling babastedin ko na siya.

How To Be Pretty | CompletedWhere stories live. Discover now