-7-

575 7 0
                                    

Ang manginig ng hindi ka naman nilalamig ay senyales ng isang masamang pangyayari. Sa unti-unting paghina ng boses sa kabilang linya ay ang unti-unti ring pag dulas ng cellphone sa aking kamay.

Sa pagbagsak nito sa konkretong semento ay ang pagkarera rin ng pagbaksakan ng mga luha sa aking mga mata. May mga mabibilis na yabag na paa na lumapit sakin.

Di ko na maramdaman ang kamay na nakahawak sa aking mga balikat, na mamandhid ang aking buong katawan na parang tinutusok-tusok ng bilyon-bilyong karayom.

Nasa harap ko si mr.nakamura nagsasalita sya pero wala akong marinig sa kahit ano mang binabangit nya. Nakatingin lang ako sa dahan dahang pag bukas at pagsara ng mga labi nya.

Nakaramdam ako ng pag-uga "magda what's wrong?" Rason para bulamalik ako sa ulirat "my mother, my mother... Cardiac... Hospital" mga putol-putol kong pagsalita dahil sa paghangos at paghikbi ko, tuloy-tuloy parin sa pagdaloy ang aking mga luha na parang kasing rami na ng pagsahanghan.

"Here have some water" kalmadong salita sakin ni eros habang inaalok sakin ang isang basong may lamang kalahating tubig, gamit ang nanginig kong mga kamay ay dahan-dahan kong itong inabot.

Ramdam ko ang malamig na likidong dumadaloy saking lalamunan hanggang sa aking tyan sa bawat lagok ay naghahatid ito sa akin ng kaginhawaan.

Sa paghinga ko ng malalim at sa pagkalma ng aking isip ay ang mabilis kong paglakad pabalik sa kusina. Habang mabilis kong pinupunasan ang aking mga luha ay ang paghablot at pag suot ko rin ng aking slingbag.

"Inatake yung nanay ko kailangan kong bumalik ng hospital" deretso kong mga salita " i didn't understand any word that left your mouth but i heard the word hospital, come on i will take you there"

Habang nakaalay ang kamay ni mr.nakamura saking likuran papuntang kotse nya ay pilit nya akong pinapakalma "calm down will be there soon" alam kong nakabuntot sa amin si eros pero sa panahong ito mas importante ang buhay ng nanay ko kesa sa kalandiang taglay ko.

"Wait for us to return" tugon ni mr.nakamura kay eros bago mabalis na pinatakbo ang sasakyan. Pasado alas otso na, malakas ang aircon sa loob ng kotse pero nagsisilabasan pa rin ang mga butil ng pawis sa aking noo.

Palingat-lingat habang kumaldag ang aking tuhod sa kaba. Biglang pinatong ni mr.nakamura ang kanyang kamay sa aking hita "try to relax will be there soon".

Bawat segundong lumilipas ay parang kasing haba na ng oras, mga rumaragasang negatibong sinaryo ang tumatakbo sa aking isip. Sa paghinto ng kotse ay agad agad ko ring pag baba papasok sa loob ng ospital.

"Lucia, lucia amor... Intake sya kanina" humahangos na salita ko sa harap ng concierge "kaano-ano po ba sila ng pasyente maam?" Tanong nito nag pataas ng dugo ko.

"Miss pakisabi nalang sakin kung saan yung nanay ko bago ko pa mahampas yang ulo mo sa semento" kanina pa bumalagta ang babaeng ito kung nakakamatay lang ang titig. "Sinugod po sya sa e.r."

Di na ako sumagot deretso takbo papunta sa lugar na sinabi ng babae, dalawang taong nakasuot ng berdeng damit, hairnet, gloves at facemask ang bumungad sakin.

"Kamaga-anak po ba kayo ng pasyente?" Tanong ng lalake sakin "anak, anak nya ko" "maam, kinakailangan na pong agarang ma-operehan ng pasyente" sagot naman ng kasama nitong babae.

"Sige lang, gawin nyo lang ang lahat madungtungan nyo lang ang buhay ng nanay ko" dahan dahan na akong nawawalan ng lakas di ko lubusang maisip na gagawin ko rin pala ang ginawa ng babae kanina.

"DOC! Please lang buhayin nyo po ang nanay ko, sya nalang po ang meron ako" tuluyan na akong humagulgol at napasalampak sa sahig. May mga kamay na sumuporta saking likuran.

"Maam may mga natitira pa po kayong utang sa hospital na di pa nababayaran" sa natitira kong lakas ay biglang pagbilog ng kamay ko para maging kamao.

"Do the operation, we are welling to pay at any cost" Sagot agad ni mr.nakamura.

mabilisang nag abot ng papel ang babae "here's the needed medicines, payments for medical equipments and all the excess bills of mrs.amor just settle the bill at the cashier, we'll go a head sir and do the best as we can" agad agad na pumasok ang dalawa sa loob ng kwarto.

Nagsipaglabasan ang hagulgol ko sa aking mga labi parang batang umiiyak ng hindi nabilhan ng gusto nyang manika. Hinimas-himan ni mr.nakamura ang aking likuran at inalalayang maupo sa bench sa gilid ng pintuan ng e.r.

"I'll settle the bill, just wait for me here okey?" Kusa nalang akong tumango habang nakatulala at nakatitig kaharap ang puting pader. Mamaya-maya pa ay sinandal ko na ang aking likuran sa pader at tumingala sa kesame.

Pulang-pula at mugto na ang aking mga mata. Nakapatong ang aking ulo sa bakilat ni mr.nakamura habang naka-akbay naman ito sa akin.

Walang kibuan tanging paglabas pasok lang ng mga tao sa loob ng e.r. ang gumagawa ng ingay. Paminsan-minsan ay maririnig mo parin dito ang malakombong ubo ng mga pasyente sa kabilang sulok.

Di ko namalayan ang oras, at sa pagod ng aking mga mata ay di ko na namalayan ang aking tuluyang pagtulog. Mag aalas-onse na ng bigla akong maalimpungatan sa malakas na pagbukas ng pinto.

Bigla akong tumayo at hinarap ang lalaking nakasuot ng berdeng laboratory coat habang nag tatanggal ng facemask. "Kamusta doc, kamusta ang nanay ko?" madiin kong hinawakan ang magkabilang balikat nya habang inuuga sya.

"Kalma miss, it's a successful operation. Pagpapahingahin lang natin sya. Run some test and monitor" kalmadong sagot nito sa akin. Nakahinga ako ng malalim sabay bitaw sa pagkahawak sa doctor.

"Sige po may idadag lang po tayong gamot sa kanya pwede nyo naman pong bilhin yun sa hospital's clinic at pwede nyo rin pong iwan yun sa nurse, sige po alis na po ako" pamamalam nito sa amin.

Muli akong napasalampak sa upuan sa tabi ni mr.nakamumara inabot nya ang aking mga kamay "thank you" mahinang bulong ko dito "anything for you baby" napangiti ako, walang pagdadalawang isip na binigyan ko sya ng halik sa pisngi.

Pag katapos ko syang samahan para bayaran ang mga dinadag na bayarin sa ospital ay bumalik na kami sa harap ng e.r. di pa rin inilalabas si nanay. "I think you should go home it's already past midnight" utos ko dito.

"Aren't you coming back with me?"

"I'll stay with my mother side"

"I have already upgraded your mothers room into a private ward and requested for two full time nurse assistant, it's been a long day for you magda you need to rest."

Di ko alam kong papano sa ganitong pag kakataon ay tila nag didilang-anghel si mr.nakamura sa akin. Pilit kong sinisilip kanina ang resibo na binigay sa kanya wala pa sa kalahati noon ang naiipon ko.

Kaya laking pasalamat ko nalang na sa kahit papano ay dumating si mr.nakamura sa buhay ko "sure" sabay tango ko dito.

Mas mabilis kaming nakabalik sa mansion dahil sa mas maluwag na ang kalsada ngayon. Isang malakas na pito sa malaking gate ang agad na nag nagpabukas dito.

Sa pagbukas ng pinto ay tumambad samin ang lalaking nakasuot ng puting sando at dilaw na boxers. "You're home" bati nito sa amin.

Anikdota ni Magda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon