Chapter 1

479 2 0
                                    

"Ano baaaa! let go of me!"

Sigaw ko kay Juan na ngayon ay mahigpit ang pagkakahawak sakin. I'm currently handcuffed na para bang  isang kriminal na may napakalaking kasalanan. Hindi ko rin makita ang daan na tinatahak namin dahil nakapiring ang mga mata ko.

He's an athlete kaya expected kong malabo akong makawala dahil sa lakas niya.

"Don't try to escape Mona, you'll thank me later after this"

Sa totoo lang, i have no any idea kung saan yung mismong lugar na pagdadalhan niya sakin.

It's my first time to go in this amusement park, kung hindi lang ako pinilit ng iba kong kaibigan ay hindi naman talaga ako sasama.

Kanina pa kami naghahatakan pero ni katiting, ay wala parin akong alam kung saan hahantong yung trip ng brocolli nato.

Kung may isang bagay akong sinisigurado...dagdag na naman to sa mga kahihiyang dulot niya sa buhay ko. 

"Pag ako talaga natalisod sasakalin kita! Juan pls pakawalan mo nakooo"

Para kong batang inagawan ng laruan dahil sa patuloy kong pagmamakaawa sa kanya. Ayoko na talaga.

Gusto ko na lang umuwi at magkulong sa bahay para hindi na niya ulit ako magambala pa.

"ngayon pa ba kita pakakawalan? now that you'll going to be my sister in law?"

Right after he said those words ay biglang may nagtanggal ng piring at handcuff ko. The moment i opened my eyes ay napagtanto ko na lang na nasa loob na pala ako ng isang white room.

A slow music also started kaya't dali daling inabot sa akin ng isang babae ang bouquet of flowers.
Im now standing in a red carpet na malapit sa pintuan.

I looked at the left side of the room and surprisingly, all of my friends are there. Lahat sila ay nakatingin sakin habang nakangisi at tumatawa-tawa pa.

I continue roaming my eyes hanggang sa nahagip ko ang taong tuluyang nagpakabog sa aking dibdib. Ilang ulit kong ikinurap ang mga mata ko, sa pagaakalang hindi totoong narito siya, but i'm just fooling myself.

He's really there. Standing in front of the stage habang naka crossed arms at seryosong nakatingin sakin. Napansin ko rin ang karatulang nakasulat sa harapan na may salitang "Wedding Booth".

Parang may bagay na nakadagan sa dibdib ko at hindi ako makahinga. Alam kong hindi siya natutuwa sa sitwasyon namin ngayon pero sa kabilang banda, heto ako. Walang pagsidlan ng saya dahil mararanasan kong ikasal sa lalaking pinapangarap ko.

Fake nga lang.

"Aray!"

Bigla na lang akong tinulak ni Juan sa likod kaya't muntik nakong matapilok.

"You're so pabebe Ramona. Go! grab the chance!"

Inirapan ko na lang siya matapos noon at tuluyan nang lumakad.

Wala namang bomba sa puso ko pero parang malapit na yatang sumabog. I looked at his eyes and luckily, he did the same. Dahan dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa napantayan ko ang kanyang pwesto.

A man wearing white which I think the fake "priest", started to talked and discuss something on us. Ang dami pa niyang sinasabi pero ni isa ay wala akong maintindihan dahil all this time, ay nakatingin lang ako sa gwapo kong katabi.

How i wish that this is real. I wish that i could be able to marry and spend the rest of my life with this guy in real life.

"Joe Gomez de Liaño, do you accept Mona Villena to be your wife?"

He looked at me without any emotions.

"Yeah, whatever"

He boringly said. The fake "priest" just continue talking and didn't mind how Joe answered him. Anyway, wala naman talagang may kakayahang pigilan pa kami. Hindi ako papayag na hindi ito matuloy.

"Ramona Villena, do you accept Joe Gomez de Liaño to be your husband?"

I also looked at him and smile.

"Yes I do"

Maya maya pa ay kinuha ng fake "priest" ang isang maliit na box at inabot sa amin ang singsing.

"This ring symbolizes your love and marriage. You can now wear it to each other"

Bigla akong nataranta ng hablutin niya ang kanang kamay ko at isinuot ng mabilis ang singsing. 

That moment was too fast for me. Ni hindi man lang nga yata umabot ng 5 seconds yung paghawak niya sakin.

Now, it's my turn.

Hindi ko alam kung ano bang tamang paghawak ang gagawin ko. Para naman kasing ang weird kung bigla bigla kong kukunin yung kamay niya, eh halata namang ayaw niyang magpahawak sakin.

Ngayon ay nakatitig lang ako sa kanya. I don't have the courage to do the same thing he did to me earlier.

Maya maya pa ay nagbuntong hininga siya at walang pakundangang hinablot ang kamay ko. He used it to wear the ring on his fingers.

Inuulit ko.

Inalalayan niya yung kamay ko para masuot yung singsing sa daliri niya.

Ito na siguro yung pinakamatagal na segundong dumampi yung balat niya sakin. For the first time in my life, ay nahawakan ko ang kamay ni Joe.

Hindi yon masyadong malambot, sa katunayan nga ay maugat talaga ito gawa ng babad siya lagi sa gym and trainings because he's also an athlete.

Kung ako lang ang masusunod, ayoko na siyang bitawan. Gusto ko na lang siyang hawakan buong buhay ko.

Pero malabong mangyari yon.

Matapos magsuotan ng singsing ay bigla siyang tumingin sa kanyang relo at dali daling lumakad papuntang pintuan.

Parang nainis yata siya.

I suddenly felt guilty. Sa tingin ko ay hindi talaga siya natutuwa sa ginawa namin ngayon dahil halata naman sa muka niya kanina pa.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga ito ginusto. Si Juan lang naman yung may karapatang makagawa ng ganitong bagay saming dalawa. This is obviously a set up.

Maybe he's thinking how desperate i am dahil pumayag akong gawin namin ang fake wedding na ito.

Yes, there's a part of me na kinikilig at masaya.

Bakit hindi? nagawa kong maikasal sa lalaking gusto ko kahit na peke pa yan. Pero mas malaki yung parte sakin na natatakot.

Im afraid na  baka lalo lang madagdagan yung dahilan niya para kainisan ako.

"Bro! where are you going? your wedding is not yet over" pabirong tanong ni Juan sa kanya.

Napatigil si Joe dahil sa sinabi ng kapatid. I saw how he looked at Juan dangerously and closed his fist. Mukang inis na inis talaga siya dahil magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"I thought this was important...."

Sa pagkakataong ito ay ibinaling niya ang tingin sa akin.

"You waisted my time Juan"

Wala akong nagawa kundi ang mapayuko dahil sa hiya.

Kahit pangalan ni Juan ang binanggit niya, ramdam kong para sakin ang mga salitang yon. Tama naman, sinayang ko lang ang oras niya. Hindi naman ako importante, kaya bakit ko ba inexpect na magiging masaya ito.

Hindi nagtagal ay tinalikuran na niya kami at tuluyang lumakad. Halos mabingi ang tenga ko nang isara niya ng malakas ang pinto.

Kita ko ang gulat sa muka ng mga kaibigan namin dahil sa ipinakita ni Joe.

Samantalang ako?

Heto.

Parang nanood lang ng pang araw araw naming senario.


The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now