Chapter 10

178 4 1
                                    

11:35 na pero wala parin si Joe.

Nagdesisyon akong maiwan dito sa sala upang abangan ang kanyang paguwi.

Kahit pinaalalahanan na ako ni Juan na baka nakakain na ito sa labas, ay pinili ko paring maghintay.

Sa totoo lang, ay antok na antok nako pero sayang naman yung pinagpaguran ko kanina.

Sayang naman kung hindi niya matitikman ang luto ko para sa kanya.

Isa pa, gusto ko narin talagang magpasalamat sa pagtulong niya sa akin nung araw na napalayas ako sa bahay namin.

Hindi ako papayag na lumipas ang gabing ito na hindi man lang niya nakakain ang niluto kong paella.

Kahit isang kagat lang.

Please Joe.

Habang patuloy akong nakaupo sa sala ay biglang lumapit sa akin si manang na ngayon ay humihikab.

"Iha, sigurado ka bang hihintayin mo pa si Joe?" - Manang Flor

Seryoso nitong tanong sa akin.

"Ah opo manang. Ako na po ang bahala dito, matulog napo kayo" - Mona

Tumango lang ito at lumakad na papunta sa isang kwartong hindi rin kalayuan sa kinauupuan ko.

Bago siya pumasok ay nagulat ako ng humarap itong muli sakin at nagsalita.

"Iba karing bata ka ha. Sana lang ay tablan na yang alaga ko" - Manang Flor

Kung yung buong pamilya nga ni Joe ay alam na may gusto ako sa kanya, pano pa si manang na matagal na nilang katulong.

Haysst.

Sana nga manang.

Sana tumalab ang paella ni Ramona, pero paano mangyayari yon kung wala parin ang bebe ko---- este si Joe hanggang ngayon?

Nakakainip pa naman dahil wala akong makausap habang naghihintay dito.

Sa sobrang pagkabagot ay nahagip ng mga mata ko ang bintana at nakita ang mga halaman at punong nililipad ng hangin.

Sa isang iglap ay naisipan ko munang lumabas. Kailangan ko ng sariwang hangin.

Binuksan ko ang pinto at nagtungo sa garden. Kahit medyo madilim na ay tanaw ko parin ang magagandang bulaklak dito.

Napabuntong hininga na lang ako ng tumaas ang aking tingin. Ang daming bituin ngayon at ang sarap nilang titigan lahat.

"Totoo ba na tumutupad kayo ng kahilingan?" - Mona

Para akong sira ngayon na kinakausap ang kalangitan.

"Kung totoo, patunayan niyo naman sakin oh" - Mona

Naramdaman ko na lang na nakalapag na pala ang mga binti at puwitan ko sa bermuda.

Nakaupo na pala ako.

"Sige nga, gusto kong subukin kung totoo ba kayo" - Mona

Bigla akong napatingin sa singsing sa aking kamay.

Ito yung galing sa fake wedding namin ni Joe. Kahit pa hindi ito totoo, ay never ko itong tatanggalin sa mga daliri ko.

Lalo na't siya pa ang nagsuot sakin.

"Hinihiling ko na umuwi na si Joe. Pauuwiin niyo na siya dito para matikman niya yung masarap kong luto" - Mona

Matapos kong banggitin ang mga iyon ay nanatili akong tahimik.

Umaaasang dinggin ng maririkit na bituin sa taas ko. Umaasang hindi magtatagal, ay dumating narin ang lalaking kanina ko pa nais makita.

Hindi ako nagsalita at patuloy lang na nakikiramdam kung may paparating ba o wala.

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now