Chapter 5

170 3 0
                                    

"Iha? what are you doing there?"

Nakita ko kung paano nabaling ang tingin ng lahat sakin. This is more intense than i expected.

"Mona, kanina ka pa diyan?"

Juan asked me habang para akong sirang nakatingin lang sa kanila ngayon.

I don't know what to do.

"Iha, come here. Eat with us"

This time, si tito Bert naman yung nag-aya sakin habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ni Mara.

Ano Ramona? paimportante tayo?

"Ah-eh-opo hehe"

Para kong tanga, kala mo namang first time ko itong gagawin. Iba talaga kasi yung ambiance ngayon eh, sadyang hindi ko maipaliwanag.

Siguro dahil narin it's almost 1 month nung huli akong kumain dito, kaya medyo naaakward ako sa harap nila ngayon.

Agad akong pumunta sa upuang inalok sakin ni tito. Katabi ko ngayon si Mara at nasa harap ko si Joe.

NASA HARAP KO SI JOE.

Si Joe na patuloy lang sa pagkain at di man lang ako magawang tingnan.

Mabilaukan ka sana.

Joke lang hehe.

"Hi ate, miss you na"

Nabaling ang atensiyon ko sa katabi ko na ngayon ay inaabutan ako ng ulam.

Grabe, ang dami nilang putahe ngayon. Actually, lagi naman pala.

"Hi Mara, miss you too"

Bukod kay Juan at Jordi na lagi kong nakakasama, isa rin sa pinakaclose ko sa pamilyang ito ay si Mara.

She's the only girl sa kanilang 6 na magkakapatid, at isa rin siya sa pinakamabait. Since then, we treated each other like real sisters.

Shempre parehas kaming babae kaya most of the time, kami yung palaging nagkakaintindihan. Yung tipong kahit maliit na bagay, napagkakasunduan namin.

I have no sibling, siya naman ay only girl. Sounds fun right?

"Kasi naman eh, you're always busy kaya di na tayo nakakapagbond together"

She sadly said while pouting.

"Oo nga eh, ang dami kasing pinapagawa ng prof namin. Palibhasa matandang dalaga"

Yung totoo, di ko alam kung bakit ba kami nagbubulungan ngayon, pero isa lang ang alam ko.

Parehas kaming natawa dahil sa sinabi ko kaya't nabaling na naman ang atensiyon ng lahat sa gawi namin.

"What's funny? share niyo naman samin yan" - Jordi

"Oo nga eh, nagsama na naman tong dalawa nato" - Juan

"Wag, baka they're talking about their crushes. Let's give them privacy" - Javi

Gusto kong matuwa sa sinabi ni Javi kasi tama naman. Although di naman talaga about sa "guy" yung usapan namin ni Mara, atleast he knows how to respect "girl's talk".

But on the other hand, gusto ko ring matawa. This guy is the type of person na masyadong seryoso  unlike ng mga kapatid niya.

"Ano Mara? may pacrush crush kana ngayon? Dad oh"

Sumbong ni Juan dahilan para matawa si tito Bert.

"Juan, you're sister is now turning into a lady. Wala ka ng magagawa diyan haha. You know, just eat"

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now