Chapter 7

171 4 0
                                    

"Pasensiya na Mona, tatlong buwan na kayong di nakakabayad. May bago ng titira sa bahay na ito" - Landlady

Hindi ako nakasagot dahil sa sobrang pagkagulat. Totoo ba itong naririnig ko?

Hindi maaari.

"A-alam ko po, pero diba nagusap na tayo kanina? Bibigyan niyo ako ng dalawang linggo para makabayad. Diba?" - Ramona

Maliwanag na maliwanag yung naging usapan namin kanina.

Siya pa mismo ang nagsuggest na bibigyan niya ako ng huling pagkakataon para makabayad.

Pero bakit ganito?

Papaalisin niya ako ng ganon ganon lang?

"Tama, pero kanina yon Mona nung wala pa kaming nahahanap na papalit sayo" - Landlady

"Pero magbabayad naman po ako. Promise po, magpapadala rin si mama sakin" - Mona

Kumunot lang ang noo nito at humawak sa kanyang baywang.

"Kailan? Sa isang buwan? Ganyan rin ang sinabi mo sakin noong nakaraan pero hanggang ngayon, di ka parin nakakabayad" - Landlady

Hindi ko na alam ang aking sasabihin. Naubusan na yata ako ng dahilan sa kanya.

Huminga ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang aking sarili.

Kaya mo yan Ramona.

"Please, kahit ngayon lang po. Sigurado ako na magpapadala din si mama sakin. Pakiusap po, wala nakong ibang mapupuntahan" - Ramona

Ginawa ko ang lahat para magmukang nakakaawa yung boses ko.

Wala na talaga akong ibang mapupuntahan sa mga oras na ito.

Mas lalo pa akong pinanghinaan ng loob nung makita kong nagdidilim ang langit.

Mukang uulan pa yata.

"Mona, I already gave you a chance pero huli na ang lahat. Nandito na yung mga papalit sayo, they can pay me better than you can. Pasensiya na talaga" - Landlady

Gusto kong umiyak.

Gusto kong sumigaw.

Bakit nangyayari to sakin?!

Bakit sa isang iglap, hindi na nagparamdam yung nanay ko at mawawalan pa ako ng tirahan.

"Please" - Mona

Yan na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang pagkadismaya.

Hindi na ulit ito sumagot at tinalikuran na lang ako para asikasuhin yung mga bagong titira sa bahay.

Tama nga siya, kanina pa sila nandito. Isang malaki at masayang pamilya.

Pamilya, na wala ako.

Wala nakong nagawa kundi ang bitbitin ang aking mga gamit. Masakit man sa kalooban, ay wala nakong ibang pagpipilian.

Kaysa magmukmok at maiinggit sa kanila ay naisipan ko na lang na maglakad palayo.

Sobrang bigat ng mga dala ko at mas lalo pang nagpahirap dito ang biglaang pagbuhos ng ulan.

Ang malas ng araw nato.

Ang malas ko. Sobra.

Di pa nga ako nakakamove on nung malaman kong may special someone na si Joe, tapos napalayas pako sa bahay ko.

Kanina lang, ay wala akong pagsidlan ng saya. Samantalang ngayon, muka akong basang sisiw na naliligo sa malakas na ulan.

Lalo pa akong nanlumo habang pinapanood ang unti unting pagkabasa ng mga gamit ko.

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now