Chapter 11

171 3 3
                                    

"Thanks, goonight"

"Thanks, goonight"

"Thanks, goonight"

Yan lang ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Hindi parin ako makapaniwala sa naganap kagabi dahil higit pa pala sa inaasahan ko ang nangyari.

Napapayag ko na nga siyang kainin yung luto ko, sinabihan pa niya ako ng "Thank you, goodnight".

Okay.

Alam kong ao.

Pero masaya ako eh.

First time kasing nagpasalamat sakin yung crush ko, at may pabonus pang "goodnight".

Ito yata ang kauna unahang positive term na lumabas sa bunganga niya habang magkasama kami.

Napatayo na lang ako sa kama nang makarinig ng busina sa baba.

Naghihintay na siguro si Juan para sa pagpasok namin.

Mabilis kong isinukbit ang aking bag at pinasadahan ang sarili sa malaking salamin. Matapos nito ay isinara ko na ang pinto ng kwarto.

Kanina pa nakapasok si Mara kaya't ako na lang ang natira dito mag-isa.

Muli na namang bumusina ang sasakyan kaya't mas lalo kong binilisan ang aking paglakad.

Malapit na sana akong makarating sa hagdan ngunit nagulat ako ng biglang sumingit si Joe sa dinadaanan ko.

Potek.

Nagkagitgitan kami dahil parehas kaming nagmamadali.

Bukod kasi sa magkatapat lang yung kwarto namin, ay maliit din ang espasyo dito pababa.

Kung di ba naman ganyang kagalet yung muscles niya, edi sana nagkasya kami.

Aaammmppp!

Agad kong nilayo ang katawan ko sa kanya at iminostra ang aking kamay sa hagdan.

"G-g-oodmorning, sige una kana hehe" - Mona

Maingat kong alok na siya naman niyang ginawa.

Sus.

Wala man lang "gooormorning too"???

Parang kagabi lang, sarap na sarap ka sa paella ko samantalanang ngayon biglang cold na naman.

Matapos niyang makadaan ay sumunod naman ako at hindi na nagpatumpik tumpik pa.

Baka malate na kami.

Pagdating ko sa labas ay siya namang saktong paglayo ng kotseng sinasakyan ni Joe at Javi.

"Hoy! Baka naman gusto mong bilisan?" - Juan

Sigaw sakin ni Juan habang paulit ulit na pinapabusina ang sasakyan.

Putcha.

Ang sakit kaya sa tenga!

"Eto na!!! itigil mo nga yang kakabusina mo. Nakakabulahaw na!" -  Mona

Inis kong sagot habang unti unting umuupo sa passenger seat.

"Why you so slow when it comes to this Mona? Nagpapaganda pa kasi kaya ang bagal tuloy" - Juan

Sambit nito habang pinapaandar ang kotse.

"Malamang, she's living with her crush on the same roof bro. Natural lang na magpaganda yan, kahit di naman gumaganda" - Jordi

Pakiramdam ko ay may kung ano bagay sa loob ko na gustong sumabog.

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now