Chapter 6

179 6 1
                                    

Maaga akong nagising dahil sa kalampag ng pinto sa baba. Kanina pa pala nandito yung landlady para singilin ako sa upa ng bahay.

Hindi pa kasi namin ito totally pagmamay-ari dahil hanggang ngayon, ay kinukumpleto pa lang namin yung bayad.

Ang problema, magta-tatlong buwan ng hindi nagpapadala si mama sakin. Hindi ko narin maalala kung kailan yung huli naming paguusap.

Dati naman, araw araw kaming nagvivideo call. Ngayon, wala na.

Kahit yung cellphone number niya ay hindi ko narin macontact.

Hindi ko alam kung bakit biglang naputol yung komunikasyon namin, pero isang bagay lang ang sinisigurado ko.

Nasa Amerika siya para magtrabaho.

May sapat naman sigurong dahilan kung bakit hindi niya ko matawagan at mapadalhan ng pera sa ngayon.

Buti na lang at nadaan ko sa matinong usapan yung landlady kanina but I'm still facing the fact na panandalian lang yon.

Siguro, ngayon nakaligtas ako pero paano bukas?

Sa isang bukas?

O baka sa isang buwan?

Napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagaayos sa aking sarili.

Nakasuot ako ng plain red dress na hanggang tuhod at black  sandals. I also put a light make up para maiba naman.

Mabubulok na kasi yata yung mga make up ni mama dito, sayang naman kung hindi magagamit.

Today is Sunday at napagdesisyunan kong magsimba kasama ang GDL family.

After 1 month, ay ngayon ko lang ulit ito magagawa dahil nga naging abala ako nung mga nagdaang araw.

Besides, going to church with them is one of the way to refresh and relax my mind.

Matapos kong marinig yung "bye love" ni Joe at yung nakakarinding bunganga ng landlady namin, kailangan ko ng pangmalakasang dasal.

Agad akong bumaba at mabilis na naglakad papunta sa bahay nila. Pagdating ko, naabutan ko ang lahat na nakatayo malapit sa kotse.

Nakagayak na sila at halatang papasok na ng sasakyan.

"Goodmorning!"

Masigla kong bati dahilan para makuha ang atensiyon nilang lahat.

Oo lahat.

Pati si Joe na may katawagan kagabi.

Ramona umayos ka.

Wag ngayon please.

"Ah, sino po sila?"

Tanong sakin ni Juan habang dahan dahan akong lumalapit sa pwesto nila.

"Mukang naligaw po yata kayo dito miss?" - Jordi

Sasagot na sana ako pero biglang lumapit sakin si Mara at biglang hinagod yung buhok ko.

"Imbes na ginaganyan niyo yung ate ko, bakit di niyo na lang siya diretsahin? Ate, they're just trying to say that you look so different today" - Mara

Ako?

Different?

"You look so beautiful Mona"

Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kilig. Maganda daw ako sabi ni future mother in law.

Charot. Asa pa.

"May sakit kaba? Kasi ngayon ka lang ulit namin nakitang nakadress. Btw, ganda mo nga yieeee" - Juan

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now