Chapter 4

188 3 0
                                    

It's been a week since that "car moment" happened. After that day, hindi na naulit yung pagsabay samin ni Joe.

Nagkasakit pala si Javi that day kaya instead na gamitin yung isa pang car, Joe decided to ride with us para daw hindi aksayado sa gasolina.

Sobrang productive ng linggong ito. Masyado akong naging busy sa mga schoolworks and im happy because of that.

Im happy dahil alam kong may nagagawa ako. Alam kong nagiging makabuluhan yung bawat pagpasok ko dahil may mga bago akong natututunan.

Oo, sobrang nakakastress at nakakawala ng energy but at the end of the day? it's all worth it dahil nagiimprove ako.

Im improving and will going to be a professional chef someday!

Masayang magaral, masayang mastress. Lalo na't alam mo yung kahihinatnan sa huli.

Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay bigla kong naalala si Joe.

Ang isa sa mga dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito.

I missed him already.

Isang linggo ko na siyang hindi nakikita!

Isang linggo na niya akong hindi nasusungitan.

Siguro, kung araw araw ko lang siyang nakikita ay mas lalo akong gaganahan sa ginagawa ko.

____________________________________

It's now 7:35 pm. Saturday ngayon pero may class ako kanina, at kakauwi ko lang.

Sobrang napagod ako ngayong maghapon kaya I decided na umakyat na sa taas at matulog para naman makabawi yung katawan ko.

Hihiga na sana ako ngunit biglang may kumatok sa pintuan.

Napairap na lang ako kasi im really desperate to sleep dahil sa hapo, tapos may kakatok pa.

Bababa pa tuloy ako.

Nang makarating ako sa sala ay agad akong lumapit sa pinto at marahan itong binuksan.

Pagkakita ko, wala namang tao.

Kahit pagod ay siguradong sigurado akong may kumatok dito kanina.

Hindi ako bingi at mas lalong hindi ako sira, alam kong may kumatok.

Pero bakit nga walang tao?

Agad akong nakaramdam ng kaba. Biglang pumasok sa isip ko na ako nga lang pala ang nakatira sa bahay na ito.

Baka magnanakaw?!

Ito naba ang bagong modus ngayon? kakatok muna sa pinto tapos biglang susugod para makapasok sa loob ng bahay ng biktima.

Jusko po.

Pero baka naman hindi?

Masyado ka lang siguro akong oa kasi hello? Im living here in one of the finest subdivision in our place, kaya bakit makakapasok ang magnanaw dito?

I did my best para mapanatag yung sarili ko, pero mas maganda ng maging handa at alerto.

Dali dali ko paring isinara ang pinto at nilock ito ng mabuti.

Tatakbo na sana ako paakyat ng hagdan ngunit biglang bumungad sa harap ko si Juan.

"Bulaga!!!!"

Halos atakihin ako sa puso ng bigla niyang hatakin ang braso ko at sumigaw ng malakas.

Potek.

Hindi yata ako makahinga.

"Buwisit ka!!! Papatayin moba ko?!"

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now