Chapter 9

178 0 2
                                    

Today is Monday and it's already 5:38 pm. Kasalukuyan akong nakasakay sa taxi papunta sa bahay.

I just finished all of my class at nagsabi sakin si Juan na mauna na daw akong umuwi dahil maggygym pa sila with his teammates.

Kasama naman ni Jordi yung mga kaibigan niya kaya wala akong ibang choice kundi ang umuwi ng magisa.

Sa bagay, lagi naman.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong wala sila tito at tita dahil daw may kailangan silang asikasuhin about business.

Umakyat ako sa taas para magbihis ngunit bumaba narin agad para hindi ko maabala si Mara na ngayon ay nagrereview.

Naisipan kong puntahan si Jaime sa kwarto niya pero wala siya. Ayon kay manang, ay kanina pa raw ito lumabas para makipaglaro ng basketball sa kapitbahay.

Sa madaling salita, wala akong kasama.

Hanggang dito ba naman ay magisa parin ako?

Wala pa naman akong homeworks ngayon kaya hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito.

Dahil sa sobrang pagkabored ay naglakad lakad na lang ako sa buong bahay.

Nung natapat ako sa garden ay nagawa ko pang diligan yung mga halaman.

Pinakain ko narin yung mga aso sa likod.

Sinubukan ko naring magwalis dahil sa sobrang pagkabagot.

Hanggang sa napadpad ako sa kusina.

"Oh iha, nandiyan ka pala"

Tawag sakin ni manang na ngayon ay nagbabalat ng sibuyas. Lumakad ako at tsaka umupo sa high chair malapit sa kanya.

"Opo haha, kanina pa po ako. Wala lang po talaga akong magawa, kaya naisipan kong maglakad lakad lang" - Mona

Paliwanag ko sa kanya habang kinukuha ang kutsilyo sa gilid ko.

Dinampot ko rin ang ilang sibuyas upang balatan ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit po?" - Mona

"Anong ginagawa mo? Ako na ang bahala dito, baka masugatan kapa" - Manang Flor

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Manang naman! parang di ako kilala. Nakalimutan niyo na po ba? culinary student tong nasa harap niyo. Future chef yata to manang" - Manang Flor

Agad naman itong napangiti sakin at binitawan ang kamay ko.

"Nako alam ko naman, mas magaling ka pa nga yatang magluto sakin! Pero alam mong ako dapat ang gumagawa nito, kayang kaya ko ito Mona" - Manang Flor

Matapos noon ay wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Ayaw talaga niya akong pahawakin ng kahit ano!

Utos din daw kasi nila tita na huwag akong patulungin sa mga gawaing bahay.

Pero anong gagawin ko?!

Bored na bored nako tapos bawal pang tumulong!

Hindi ko alam ngunit bigla kong naalala yung sinabi ni Mara sakin kagabi.

Yung totoo, may point naman siya.

Para saan pa yung skills ko sa pagluluto, kung hindi ko rin pala gagamitin.

Sa isang iglap ay bigla kong naimagine si Joe habang kinakain yung luto ko.

Hindi naman talaga ako naniniwala sa "A way to a man's heart is through his stomach", pero wala namang masama kung susubukan.

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now