Chapter 8

169 2 1
                                    

Bago pa ako makapasok sa kwarto "namin" ni Mara, ay kinausap muli ako nila tita tungkol sa pagtira ko dito.

Ilang beses kong ipinaliwanag sa kanila na may sarili namang condo yung mga kaibigan ko kaya't maari muna akong makitulog doon.

Ang dami kong dinahilan.

Ang daming beses ko silang pinilit na kaya ko naman ang sarili ko.

But I did not succeed.

Bakit daw nila ako hahayaang mapunta pa sa iba, kung pwede naman daw ako dito mismo sa bahay nila.

Ang sarap lang pakinggan.

Kung paano nila ako ituring at ingatan ay higit pa sa isang tunay na magulang.

"Huy" - Mara

Tawag sakin ni Mara na ngayon ay nakangiti.

Kanina pa pala ako tulala habang inaayos ang mga gamit ko dito sa loob ng kwarto niya.

Namin pala.

"Huy" - Mona

Paggaya ko sa tono ng boses niya.
Natawa lang ito at umupo sa aking tabi.

"Lalim ng iniisip natin ah. Grabe naman si kuya, ayaw kang tantanan" - Mara

Sarkastiko akong ngumisi at umirap kaya lalong lumakas ang tawa niya.

Grabe.

Alam na alam niya kung paano ako pakiligin.

Char.

"Nagiisip lang, kuya mo agad?" - Mona

"Eh siya lang naman talaga yung nasa puso't isip mo ah. Don't me ate Mona" - Mara

Halos malaglag ako sa kama nung sundutin niya ang tagiliran ko.

Itong batang to!

Masyadong maraming nalalaman sa nararamdaman ko!

"Hindi nga si Joe yung iniisip ko, si mama kasi. Siya yung kanina pa gumugulo sa utak ko" - Mona

Mabilis na nagbago ang ekspresiyon ng kanyang muka.

Yung kaninang masaya, ngayon ay naging malungkot na.

"Miss mo na siya noh" - Mara

"Oo naman, ang tagal na naming hindi nagkikita. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon" - Mona

"Bakit ba kasi bigla na lang kayong hindi nagkausap?" - Mara

Napabuntong hininga ako sa tanong niya.

Bakit nga ba?

Yung totoo, hindi ko rin alam.

"I don't know Mara. Basta, biglang hindi na lang siya tumawag. Dati naman, araw araw ko siyang nakakausap. Kahit gaano siya kabusy, nagagawa parin niya akong kamustahin. Pero ngayon, biglang-----biglang wala na. Biglang wala na lang paramdam" - Mona

Hindi ito sumagot at patuloy lang na tumitig sakin na tila ba naghihintay sa mga susunod kong sasabihin.

"Nagaaalala nako sa kanya. Kung dati, lagi kong hinihiling na umuwi na siya, pero ngayon? Kahit isang tawag lang, kahit isang text lang mula sa kanya. Masaya nako" - Mona

Magsasalita pa sana ako ngunit laking gulat ko ng bigla niya akong yakapin.

Naramdaman ko rin ang marahan na paghagod ng kamay niya sa likod ko.

"Ate, hindi ko alam kung anong nararamdaman mo. I may not know how hard your situation is right now, but I just want to say na nandito lang ako. I'm always here to listen. I'm always here to hug you" - Mara

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now