Chapter 12

285 9 11
                                    

We're now currently following Joe kung saan man siya patungo.

Tama si Juan.

I can't resist to just wait and sit here habang aware na aware akong may ka-eyeball yung crush ko.

Imposibleng mangyari yan.

Dali dali namin siyang sinundan papasok sa mall. Hindi pa man din kami nakakalayo ay hingal na agad ako dahil halos tumakbo na kami.

Ang bilis maglakad ni Joe.

Halatang masyado siyang excited sa kung sino man ang kikitain niya ngayon kaya ganyan na lang kabilis ang kanyang mga kilos.

We saw him na pumasok sa isang fast food chain kaya't ganoon din ang ginawa namin ni Juan.

Lumapit kami sa table na inupuan niya at puwesto sa kanyang likod.

Mabuti na lamang ay busy siya sa pagkutingting ng cellphone kaya hindi niya kami napansin.

Habang pinapanood ko ang bawat paggalaw nito ay bahagyang lumingon ang muka niya sa aking direksiyon.

Jusko ko po.

Mabuti na lang ay nahawakan ko agad ang menu book sa harap ko at iniharang sa aking muka.

Grabe, kinabahan ako doon.

"Hoy" - Juan

Bulong ni Juan habang kinakalabit ako.

"Oh" - Mona

Sagot ko habang patuloy paring tinitingnan ang ginagawa ng lalaki sa kabilang table namin.

"What is he doing?" - Joe

Taka nitong tanong dahil magkatapat ang mga likod nila Joe kaya't hindi niya nakikita ang ginagawa nito.

Kumbaga, sakin nakaharap si Juan habang ako naman ang nakaharap kay Joe na ngayon ay nakatalikod samin.

"Wala, nakaupo lang. Kala ko ba may imi-meet siya? wala naman siyang kasama" - Mona

Para kaming sira ni Juan ngayon na nagbubulungan.

Hindi imposibleng marinig kami ni Joe dahil sa sobrang lapit namin sa kanya.

"Baka hinihintay pa. Masyado kang atat" - Juan

Matapos noon ay tumahimik na lang kami at matiyagang naghintay sa susunod na mangyayari.

Itinuon na lang ng kasama ko ang kanyang atensiyon sa cellphone at paminsan minsan ay lilingon sa kanyang likod.

May halos 10 minuto na rin kaming naghihintay ng biglang may babaeng lumapit sa table ni Joe.

Correction.

Magandang babae.

"Hey!" - Girl

Tawag nung babae kay Joe kaya't agad itong nagtaas tingin sa kanya.

"Love, finally you're here" - Joe

Ayan na naman po.

Kumirot na naman ang puso ko ng marinig yung "love" na yan.

Ano?

Confirm naba?

Sila na nga?

Sana kayanin ko ito.

Agad na tumayo si Joe at inalalayan ito upang makaupo.

"Sorry I'm late, nasiraan kasi ako ng kotse kaya nagtagal. Kanina ka pa?" - Girl

Sabi nung babae habang inilalapag ang bag nito sa lamesa.

"Hindi naman, It's okay. Halos kadarating ko lang din" - Joe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now