Chapter 2

290 3 0
                                    

Halos malaglag nako sa kama nang makarinig ako ng malakas na busina galing sa labas. Mas nagulantang ako nang mapatanaw ako sa orasan malapit sa aking pintuan.

IT'S ALREADY 8 IN THE MORNING!

But here i am now, kakagising lang and with tulo laway pa.

Ano ba kasing nangyari sa alarm clock ko at hindi man lang tumunog?! Ayan tuloy, magiging pabigat pa ako sa mga prinsipeng naghahantay sakin sa labas.

Dali dali akong pumasok sa banyo upang maligo. I didn't bother to put some make up dahil sa pagmamadali. Sapat ng alam kong mabango at malinis ang katawan ko dahil iyon naman ang mas mahalaga.

Tuluyan na akong lumabas ng bahay at mabilis itong ikinandado. Muli na namang bumusina ang sasakyan sa harap ko kaya't mas lalo kong binilisan ang paglapit dito.

"Wtf Mona?"

Bungad sakin ni Juan na ngayon ay napakalakas ng tawa.

"Umagang umaga, wag kang sumabay"

I really know the reason why he laughed. Hindi man lang kasi ako nakapagsuklay at sabog sabog rin ang mga dala kong gamit.

Muka tuloy akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Baka naman gusto mo kong pagbuksan?"

Sarkastiko kong tanong nang mapansing nakalock ang pintuan ng kotse niya.

Himala, napansin ko ring nakaupo siya sa back seat. Kadalasan naman kasi ay siya ang palaging nasa driver's seat dahil ayaw daw niyang may ibang nagmamaneho ng kotse niya.

Nakasara yung wind shield sa harap kaya't hindi ko makita kung sino ang nagdadrive. Malamang ay si mang Roger ito.

"Dun ka maupo"

Sabi ni Juan habang tumuturo pa sa harap niya.

Maya maya pa ay lumapit na ako sa front seat upang makaupo at tuluyan ng makaaalis. Im pretty sure that im late again to my first class.

Isa pa, naiinis narin ako sa patuloy na pagharang ng buhok ko sa muka. Siguro ay muka nakong si kirara ngayon dahil ni isang hagod ng suklay ay hindi pa nasasapit ng buhok ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Joe sa driver seat.

"Papasok ka ba, o papasok?"

Biglang singit ni Juan sa kalagitnaan ng pagkatunganga ko.

Putcha.

Ngayon ko lang narealize para pala akong poste dito ngayon habang nakatitig lang kay Joe.

Yan. Ganyan ang epekto sakin ng lalaking yan.

Umiwas ako ng tingin at nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan na parang wala lang sakin na katabi ko ngayon ang lalaking kinababaliwan ko.

"Saang giyera kaba galing ate Mona?"

Tanong sakin ni Jordi na ngayon ay nagpipigil din ng tawa.

Isa ka pa. Lintek.

"Di naman kayo magkatabi ni Joe kagabi, pero parang napasabak ka na agad sa laban?"

Parang may kung anong mainit na bagay ang naipon sa pisngi ko ng sabihin iyon ni Juan.

Potek?! Nakakahiya ka talaga kahit kailan!

"Kaya nga, hindi pa nga natutuloy yung honeymoon niyo eh"

Singit ni Jordi na ngayon ay nakapagitna ang ulo samin ni Joe habang tumataas baba pa ang kilay.

"Dapat kasi-i-ummmm"

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now