Chapter 3

207 3 0
                                    

HINDI AKO MAKAGALAW.

HINDI KO ALAM KUNG ANONG DAPAT KONG GAWIN.

Pakiramdam ko ay may kung anong bagay ang napunta sa tiyan ko dahil sa sobrang hiya.

Nakasubsob lang naman yung muka ko ngayon sa hita ng crush kong ubod ng sungit.

Sakin lang, sa iba hindi.

Ni hindi nga kami close.

Hindi kami madalas naguusap, tapos ganito pa yung nangyari.

Sigurado akong lalo lang siyang maiinis sakin.

Bakit ba kasi bigla biglang nagpreno eh!

"What are you doing?"

Tanong ni Joe na halatang iritable na ngayon. Agad kong hinablot ang suklay sa baba at tuluyang naupo.

"S-s-orry, di ko sadya. Nalaglag kasi yung suklay. Hehe"

Halos pabulong na lang yung salita ko dahil sa sobrang kahihiyan. Totoo naman kasi.

Hindi ko naman sinadya.

Oo. Gusto kong mapalapit at mahawakan siya, pero hindi sa ganitong paraan.

"Be careful next time"

Tumango na lang ako matapos niyang sabihin iyon.

Yung totoo, nagiingat naman ako eh. Ginagawa ko naman yung lahat para maging presentable sa harapan mo.

Pero lintek.

Kasalanan ko bang presensiya mo pa lang eh para nang niyayanig yung buong sistema ko?!

Nagpatuloy ang biyahe namin and im so thankful na hindi napansin ng dalawang mokong yung nangyari kanina.

Sigurado akong tutuksuhin na naman nila ako.

We finally arrived here in school at tuluyan nang naghiwa-hiwalay para sa mga klase namin.

Im a 1st year college taking Culinary Arts. Bata pa lang ako ay hilig ko na ang pagluluto, kaya't hindi ako nahirapan sa pagpili ng kurso when i went here for college.

Since then, desidido na talaga ako sa gusto ko at yun ay si Joe.

Charot.

Shempre, ang maging professional chef.

____________________________________

I finally finished all of my class at ineexpect kong ganon din si Juan.

Madalas kasing nagkakatugma yung schedule ng mga subject namin, kaya kami lagi yung umuuwi ng sabay.

Palagi namang nagpapaiwan si Jordi with his friends dahil may lakad daw sila. Kaya in the end, si Juan talaga yung madalas kong nakakasama.

Dumiretso na agad ako sa parking area dahil dito yung meeting place namin everyday after the whole class.

It's either ako yung maghihintay sa pagdating ni Juan, or vice versa.

Agad kong nakita yung kotse ni niya at napansing nakabukas ng kaunti yung windshield nito.

May tao na sa loob.

Malamang ay kanina pa niya ko hinihintay.

Malayo pa lang ay kita ko ng hindi gumagalaw si Juan. Nakasandal lang siya sa upuan at walang ginagawa.

Siguro ay natutulog ang isang to.

Lalo kong binilisan ang paglakad  nang maisipan ko siyang gulatin. Dapat ay hindi pinapatulog yung mga ganitong bully.

The Closest Thing I Can't Have (Joe GDL)Where stories live. Discover now