[SAVE YOUR LIFE IN 3 DAYS]
***
AUTHOR POINT OF VIEW
FLASHBACK
"Tumigil na kayo hindi niyo na kailangang mag away. Nandito na ako"
Isang boses nang lalake ang nagpatigil sa pag susuntukan nang dalawa, halo halong emosyon at mga katanungan sa kanilang sarili kung sino ang taong dumating
"Ikaw yung nasa picture, ikaw din yung lalakeng nakita ko na kasama ni Evie kagabi"
Nong gabing pinuntahan ni Evie si Declan ay may taong sumusunod kay Evie na hindi niya alam at ang taong yon ang may pakana sa picture na hawak ni Caleb. Mas lalong umaapoy sa galit si Caleb nang makita niya mismo sa harap niya ang taong akala niya ay kaaway niya
Susunggaban na sana ni Caleb nang suntok ang bagong dating na si Declan nang magsalita ito
"Malapit nang mamatay si Evie"
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Declan at halos hindi na makakilos si Caleb sa kanyang narinig, habang si Madison naman ay walang tigil parin ang pag iyak at hindi na rin alam kung ano ang gagawin. Tumigil na ang pagbuga nang dugo ni Evie ngunit nananatili parin itong paralisa habang maliit na bahagi nalang ang kanyang nakikita. Mula sa kanyang leeg na plano nang Pamilyang Colton kaya nilang kontrolin ang buhay ni Evie. Isa itong Device na nakakabit sa leeg ni Evie habang ang kontrol nito ay nasa taong naglagay nito sakanya. Ikinabit ito sakanya upang lasonin nang dahan dahan ang kanyang katawan hanggat sa tuluyan na siyang mamatay. Poisoned, drugs, at mga chemical ang nasa leeg ni Evie at bawat minutong lumilipas ay nababawasan nang porsyento ang kanyang buhay.
Ilang araw na ang lumipas at hindi na rin kaya nang katawan ni Evie na mamuhay nang matagal dahil kalahati na lang nang kanyang buhay ang natitira, walang gamot. Tanging ang kontrol nito ang makakapag patigil sa pagkalat nang poisoned sa kanyang katawan upang mabuhay pa siya nang matagal at makahanap nang lunas para sakanya"Tulungan... niyo ako.... Si Evie..." Halos hindi na mabigkas ni Madison ang mga salitang gusto niyang sabihin dahil sa panginginig at sobrang pag aalala sa kanyang matalik na kaibigan
Kanina pa naririnig ni Jacob ang pag tangis ni Madison ngunit hindi niya ito pinansin ngunit sa pagkakataong iyon agad niyang nilingon ang dalawa at kahit pati siya ay nanlumo nang makita niya ang dugo sa bunganga ni Evie na umabot na sa sahig
"Caleb si Evie"
Sigaw nito kaya lahat sila ay napunta ang atensyon sa dalawang dalaga, nang makita ito ni Caleb nawala ang galit sa kanyang puso at bumalik ang pagmamahal na kanilang binuo ni Evie
Agad na tumakbo si Caleb at inagaw sa mga bisig ni Madison ang ulo ni Evie
Bago tuluyang pumikit ang mga mata ni Evie ay sobrang saya niya dahil kahit sa huling paningin niya o sa kanyang huling hininga nakita niya manlang ang lalakeng nagpabago sakanyang matigas na puso at nakaranas nang totoong pagmamahal na kailan man ay hindi niya naranasan
*****
CALEB POINT OF VIEW
"Anong nangyari sakanya? Bakit-- Bakit siya nagka ganun?" Mangiyak ngiyak na tanong ko, tama nga sila ang gag* gag" ko talaga yung babaeng mahal ako sinaktan ko dahil sa galit at selos. Yung pinakamamahal ko nasaktan ko siya at ngayon nag aagaw buhay siya dahil saakin, tanga tanga ko

BINABASA MO ANG
SAVE your life in 3 DAYS
Mystery / ThrillerPara sayo ano ang unang pumapasok sa isip mo pag narinig o nabasa mo ang salitang "Save your life in 3 days". Kung siya ang tatanungin ito ay isang walang kwentang bagay. Ito'y isang kabaliwan lamang at di dapat siniseryoso, PERO paano kung isang ar...