CHAPTER 8

91 78 0
                                        

WARNING: EXPECT SOME SPG SCENE (18YS OLD AND ABOVE, READ WITH YOUR OWN RISK)

***
SHOOTING STAR

***

Evie's POV,

"Evie anak... Gising na, nandito na si mama" nagising ang natutulog kung diwa sa isang boses na narinig ko, dahan dahan kung idinilat ang mata ko.. Napangiti ako nang masilayan ang napaka ganda at maamong mukha ni Mama

"Mama.." Mahinahon kung tawag sakanya, ngumiti siya saakin saka hinaplos ang aking mga pisnge

"Gumising kana may kailangan ka pang gawin at maranasan" saad ni mama na hindi parin inaalis ang ngiti sa kanyang mga labi

"Mama naman eh... Gising na po ako, ano po bang pinag sasabi niyo" sambit ko saka hinaplos muli ni mama ang pisnge ko, doon ko lang napag tanto na may pumatak na likido sa aking pisnge at napalitan ito nang sunod sunod na patak nang likido at hikbi na hindi tumitigil

"Anak, miss na miss kana ni mama... Mag pakatatag ka anak, I love you" muling saad ni mama saka ako hinalikan sa noo, pumikit ako para maramdaman ang halik nang isang Ina

"Sobrang miss na rin kita mama, Mahal na Mahal kita higit pa sa buhay ko" mahina at malumanay kung sambit sakanya, dahan dahan kung idinilat ang mata ko at nakita ang aking Ina na dahan dahang nag lalaho na parang bula

SAVE your life in 3 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon