[DEATH]
****
***
EVIE POINT OF VIEW
Hindi muna ako bumalik sa kwarto ko dahil may taong gusto ko pang kausapin
Gusto kung malaman kung bakit kailangan kung mag ingat Kay Alice at satingin ko may alam pa siyang iba maliban kay Alice
Nagtungo na ako sa likod nang campus at hinanap si sir Gomez
"Kanina pa kita hinihintay hija"
Nalingon ako sa likuran ko nang may mag salita
"Sir Gomez" usal ko nang makita ko siya. Naglakad siya papunta sa mga halaman na aakalain mong garden sa dami ng mga bulaklak. Matagal na akung dumadaan dito pero ni isang beses hindi ko pa nakita na may ganto pala dito, sumenyas siya saakin na umupo sa tabi niya pero hindi ko sinunod at umupo nalang sa may malaking bato
"Gusto po kitang makausap matagal na, pero sa tuwing nag kikita ho kasi tayo sakto naman na nagmamadali ako" saad ko. Ngumiti naman siya saakin at namutol nang isang rosas
"May gusto kang malaman kaya ka nandito totoo ba?!" Tanong niya kaya tumango ako
"Isang rosas na napakaganda, parang ikaw. Isang magandang dilag. Pero kapag hindi mo ito inalagaan manunuyot na parang buhay nang isang tao, uhaw sa pag mamahal. Malalanta at unti unting mahuhulog ang mga petals nito sa lupa hanggang siya ay"
"Mamamatay" dugtong ko sa sinabi niya
"Hindi ko ho alam kung ano ang tinutukoy niyo. Pero ang gusto ko pong malaman kaya ako nandito ay bakit pinag iingat niyo ako Kay Alice? Ano pong meron sakanya?"
"Anak siya nang isang makapangyarihang tao, isa siyang kalaban, Traydor siya sa lahat, kaya mag ingat ka sakanya dahil mahirap siyang kalaban. Kung kinakailangan na patayin mo siya gawin mo"
"Hindi po ako basta basta pumapatay nang tao kung wala namang ebidensya" Hindi siya ordinaryong tao, kapag inalis ang pagiging teacher niya ay malalaman ko ang lahat nang alam niya
"Save your life in 3 days"
Gulat na tumingin ako sakanya na may halong pag tataka,. I knew it. Marami nga siyang alam
"Paano niyo nalaman ang tungkol dyan? Sino ho ba talaga kayo?"
Imbis sagutin niya ang tanong ko ay tinuloy niya ang sinabi niya
"Evie, Truth? or Dare?"
"Bakit niyo ako tinatanong nang ganyan? Anong binabalak niyo?" Napakapit ako sa bato na kinauupuan ko nang bigla siyang tumingin saakin nang seryoso
"Truth? Or Dare?" Muling tanong niya na nakatingin parin saakin, walang mangyayaring masama saakin, kapag meron man kaya ko namang lumaban. Kaya ko siyang labanan. Marami akung gustong malaman, I will chose the truth. Bahala na
"Truth" pag pili ko. Ngumiti siya saakin at muling itinuon sa mga bulaklak ang atensyon niya
"Mag tanong ka sasagutin ko" huminga ako nang malalim at agad kung tinanong ang mga gumugulo sa isipan ko
"Anong alam mo tungkol sa mga Colton?" Unang tanong ko habang seryosong nakatingin ako sakanya
"Colton Family, a big family, famous, at kailanman hindi nag papatalo sa labanan. They are always get what they want. Mahirap silang kalaban at higit sa lahat kumikilos sila nang hindi alam nang kanilang kalaban. Yan ang Colton Family" Hindi ko alam pero napangisi na lang ako sa sinabi niya, kumikilos nang di namin alam. Siguro oo..Pero may araw din siya para kami naman ang kumilos, mukang kabaliktaran nga ang nangyari. Kumikilos ang kanyang kalaban nang hindi niya alam
BINABASA MO ANG
SAVE your life in 3 DAYS
Mystery / ThrillerPara sayo ano ang unang pumapasok sa isip mo pag narinig o nabasa mo ang salitang "Save your life in 3 days". Kung siya ang tatanungin ito ay isang walang kwentang bagay. Ito'y isang kabaliwan lamang at di dapat siniseryoso, PERO paano kung isang ar...
