[DÉJÀ VU]
*****
HARRY POINT OF VIEW (kung Hindi niyo siya kilala back read chapter 15)
"Panginoon nandito na ako"
Humarap saakin si Lord Titus habang may hawak na shutting glass na may lamang wine
"Ohh, nandito na pala ang matagal ko nang hinahanap. Akala ko nag tago kana? Nandito ka ba para isuko ang buhay mo?" Bungad saakin ni Master David, ang panganay na anak ni Lord Titus
"Hindi po Master" usal ko
"Ang lakas naman nang loob mong magpakita pa sa tinagal nang panahon, wala kang silbe" sarkastikong saad ni Master David
Agad niyang dinampot ang baril nasa lamesa at itinutok saakin. Napaatras naman ako sa ginawa niya
"Master wag po, may dahilan ako kaya mag mula nang umalis ako sa palasyo ay hindi na ako nag Pakita. Nag imbestiga ako at marami akung nalaman"
Tinaas ni Lord Titus ang kanang kamay niya para sabihin kay Master David na ibaba ang hawak niyang baril
"Magsalita ka" saad ni Lord Titus
Nilabas ko ang lahat nang papeles at mga litrato sa bag ko at inilapag sa lamesa na nasa harapan ko
"Sa ilang buwan na pag iimbestiga ko marami akung nalaman. Mula sa anak ni Morgan at Manuel na si Genevieve, sa tauhan mong traydor, sa kasinungalingan ni Ma'am Alice, at sa kakambal ni Caleb, alam kuna ang lahat"
"Anong meron sa kakambal ni Caleb? Sabihin mo"
Flashback
Nalaman ko na nakatanggap si Madison nang pulang kahon at pinili niya ang Truth, gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang totoo niyang magulang. Kaya nang gabing pinag kasunduan nila ni Lazaru kung saan sila mag kikita ay sinundan ko sila nang hindi nila alam. Lahat nang sinabi ni Lazaru kay Madison ay nirecord ko para may ebedensiya ako. Matapos malaman ni Madison ang lahat sinabi sakanya ni Lazaru na mamamatay siya sa gabing yon' akala ko kakampi siya. Akala ko yun ang inutos niyo sakanya pero nagulat ako nang iligtas niya ito sa kamatayan, binaril niya nga ito pero alam kung buhay pa siya hanggang ngayon at tinatago nila siya para ipalabas na patay na siya
BINABASA MO ANG
SAVE your life in 3 DAYS
Mystery / ThrillerPara sayo ano ang unang pumapasok sa isip mo pag narinig o nabasa mo ang salitang "Save your life in 3 days". Kung siya ang tatanungin ito ay isang walang kwentang bagay. Ito'y isang kabaliwan lamang at di dapat siniseryoso, PERO paano kung isang ar...