CHAPTER 29

35 23 0
                                    

        [TOO MUCH LOVE CAN
                 KILL YOU]


***

EVIE POINT OF VIEW

10:00 na nang magpasya na akung bumalik sa school, baka hinahanap na ako ni Madison sinabi ko pa naman na may kukunin lang ako sa dorm baka nag aalala na yun

"Sige hatid na kita masyadong delikado sa labas hindi ko kayang maglakad ka dyan nang mag isa mo"

Pumayag nalang ako dahil tama naman siya, at isa pa kahit matapang ako hindi parin sapat ang tapang ko para mag lakad sa madilim na gubat, takot ako sa dilim baka may makita pa akung maligno

"Let's go?"

***

Sobrang dilim nang paligid tanging liwanag lang nang flashlight ang nag bibigay liwanag saamin, walang buwan ngayon parang uulan wala rin kasi akung makitang mga bitwen sabi kasi ni Dad pag walang star daw siguradong uulan

"Saglit" biglang napahinto si Declan sa paglalakad kaya napahinto rin ako

"Ano yon?" Tanong ko sakanya

"Parang may tao" saad niya. Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero wala naman akung makitang anyo nang tao

"Wala naman e, paano mo naman nalaman"

"Nararamdaman ko"

Bigla akung napatingin sakanya at dumikit na parang bata, baka naman multo ang tinutukoy nito? Wag naman sana

"Tara bilisan nalang natin"

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad nang may pumasok sa isip ko

"Declan, pag nahatid muna ba ako uuwi ka ulit sa lungga mo? Paano yun mag isa mo lang, hindi kaba takot?" Tanong ko sakanya

"Hindi. Hindi muna ako uuwi, nag e stay muna ako sa school niyo at pag madaling araw na saka lamang ako babalik dito. For safety na rin"

Nag e stay? E bakit nong huling hatid niya saakin bumalik siya? Nakita ko pa na naglakad siya sa madilim at masukal na gubat na to'

"Siguro naguguluhan ka, maiintindihan mo rin sa tamang panahon"

Nag kibit balikat lamang ako.

"Kayo na pala ni Caleb congrats, tama lang na minahal mo siya alam kung mapoprotektahan ka niya sa lahat nang bagay, he loves you so much"

Napangiti ako nang banggitin niya ang pangalan ni Caleb, naalala ko tuloy yung surprise niya saakin. Baka nagtatampo na yon o baka magalit pa saakin

"Thanks, sana nga masabi ko sakanya ang dapat kung sabihin"

"Magsalita ka lang papakinggan ka niya kahit ayaw niyang makinig magsalita ka lang, atleast nasabi mo ang gusto mong sabihin"

Tumingin ako sakanya pero agad ko rin yun binawi

"May meaning ba yang sinabi mo?" Tanong ko habang pasulyap sulyap sa paligid

"Pag nagalit si Caleb wag kang makikisabay mag explain ka lang sabihin mo ang gusto mong sabihin hanggat sa maintindihan niya, wag kang susuko sakanya dahil kapag sumuko ka ibig sabihin hindi mo kayang panindigan ang taong mahal mo"

"Ok ka lang ba? Hindi naman kami nag away ni Caleb, pero kung magalit siya saakin ngayon gagawin ko ang sinabi mo saakin"

Ngumiti ako kaya ngumiti rin siya

SAVE your life in 3 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon