CHAPTER 33

16 11 0
                                    

              [I LOVE YOU]

****





EVIE POINT OF VIEW



Nagising ako sa isang boses lalake na tumatawag sa pangalan ko, minulat ko ang aking mata at nakita ko si Caleb na nakangiti saakin

"Kukuhanan ka lang ni Doc nang dugo, after that you can eat your foods na" saad ni Caleb

Dugo? B-Ba-ba-kit? 

"Bakit? Ok naman na ako, hindi niyo na kailangang kumuha nang dugo ko"

"Hija, we will just test your blood. Kunting dugo lang naman"

Lumapit sa tabi ko si Caleb at inakbayan ako

"It's ok baby, I'm here just close your  eyes"

"Takot ka ba sa karayom? Hahaha ang matapang na si Evie takot pala sa karayom" pang-aasar saakin ni Theo. Kanina pa to e, humanda ka saakin mamaya

"Shut your bullshit mouth"

"Evie" pagpapatigil saakin ni Caleb

"What? Nang aasar siya e"

"Ayokong nag sasalita ka nang bad words, hayaan mo nalang siya just close your eyes"

Wala na akung nagawa kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya

Ilang segundo ay may naramdaman akung itinutusok sa balat ko, hindi naman talaga ako takot sa karayom kundi sa dugo. I don't know kung bakit basta pag nakakakita ako nang dugo nang hihina ako

"Ayan ok na hija"

Dumilat ako at tinignan ang braso ko kung saan sila kumuha nang dugo

"Doc, pwede pong mag tanong?" Tanong ko sa babaeng doctor na kumuha nang dugo ko

"Of course hija, ano ba yun?"

"Bakit kailangan niyong e test ang dugo ko? Wala naman po akung sakit"

Na cucurios lang ako kaya ko natanong, mag mula kasi kaninang paggising ko pakiramdam ko ang daming nag bago. Maraming gumugulo sa isipan ko na gusto kung itanong sakanila, at si Declan. Basta marami akung gustong itanong na dapat nilang sagutin nang totoo

"Ahh doc, ako nalang po mag papaliwanag sakanya. You can go" usal ni Caleb, tumango naman si doctora saka umalis kasama ang babaeng nurse na kasama niya

"Kumain ka muna baka luma-----"

"Ilang araw akung nasa comma?" Pagputol ko sa sinabi ni Caleb

Nagkatinginan naman silang lahat saka sinagot ni Miles ang tanong ko

"Tatlong araw" -Miles

"Sa tatlong araw na yun ano ang nangyari" walang emosyong tanong ko, alam kung alam na nilang lahat na nilalason nang kalaban nila ang katawan ko at si Declan hindi naman yan nandito kung hindi nila alam na may Declan

"Alam na namin ang lahat, alam kuna ang lahat Evie" sagot ni Caleb

Ang linaw nang usapan namin ni Declan, hindi ko sasabihin sa iba ang tungkol sakanya at ganun din siya saakin. Ang sabi ko ako ang mag sasabi kay Caleb tungkol sa kalagayan ko, hintayin niyang ako ang mag sabi. Bakit siya nag salita agad?! Tsk.

"Malinaw ang usapan natin Declan. Ang sabi ko hintayin mong ako ang mag sabi sakanila, bakit mo sinabi agad?" Halata sa boses ko ang pag kagigil habang binibigkas ko ang mga salitang yan

SAVE your life in 3 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon