* [HINDI PAGSIPOT]*
****MADISON POINT OF VIEW
After naming kumain ni Evie naglakad lakad muna kami naisipan kasi namin na libutin ang school na to' pero sure ako na first floor lang ang malilibot namin. E sa pagkalaki laki nitong school na to' baka abutin kami nang mahigit isang linggo bago namin malibot
Napag-usapan narin namin ang tungkol sa nangyari saakin, at yung pagbaril sakanya. Pero pansin ko parang may kakaiba kay Evie, habang nag kukwentuhan kasi kami pansin kung panay ang hawak niya sa leeg niya at nahihirapan siyang kumain. Hindi ako sanay na ganun siya kumain, pag gutom kasi siya ayaw niyang nag kukwento, ayaw niyang nag sasalita siya tapos malakas siyang kumain kahit na ang sexy niya para siyang baboy kung kumain. Pero kumpara kanina mahinahon lang at panay ang himas niya sa leeg niya
"Evie" tawag ko sakanya, lumingon naman siya saakin at ngumiti
"Are you ok?" Tanong ko na ikinanuot nang kanyang noo
"Of course yes, anong klaseng tanong yan?" -Evie
"Never mind. Anong oras na ba?"
Tumingin naman siya sa cellphone niya at cheneck kung anong oras na
"6:45" saad niya at ibinalik muli ang phone niya sa kanyang bulsa
Pinagmamasdan ko lang ang bawat silid na nadadaanan namin, miss ko nang mag aral. Last week kasi announcement ni Ma'am Principal na kung sino ang gustong mag aral pumunta na lamang sa library para mag aral o di kaya pumunta sa office nang subject teacher mo at doon nalang kayo mag lelesson, naisip ko tuloy makakapasa kaya kami sa ganun? Gusto ko nang mamuhay nang tahimik at walang gulo, ayoko nang ganito
"Evie. Ano kaya yung surprise nila saatin? May idea ka ba?" Tanong ko sakanya
"Wala e, Ewan ko rin" saad niya habang nasa iba ang atensyon niya
"Pumunta na kaya tayo ngayon, wala rin naman tayong ginagawa"
Tumingin siya saakin at ngumiti. Bakit naiinis ako sa tuwing ngumingiti siya. Parang may Mali sa bawat ngiti niya
"Pwede mauna kana? Dadaan lang ako sa dorm natin, may kukunin lang ako"
"Samahan na lang kita para sabay na tayo pumunta sa office ni Caleb"
"Wag na, mabilis lang naman ako mag eelevator nalang ako para mabilis" saad niya, wala na akung magagawa pag sinabi niya yun ang masusunod. Haish!
"Gotta go, ingat" at tumakbo na nga siya paalis
Ako naman nagtungo na lang sa office ni Caleb, hindi narin ako safe dito. Wala nang masyadong studyante at malapit narin ang curfew hour baka mahuli pa ako
***
EVIE POINT OF VIEW
Hindi talaga ako pupunta sa dorm namin, hanggang ngayon kasi naguguluhan pa ako sa taong naka hood na nagbigay saakin nong paper kahapon, habang kumakain kasi kami ni Madison biglang nag pop up sa isip ko si Declan, Ewan ko kung bakit kaya pupuntahan ko siya kailangan kung ipaalam ang tungkol dito, halos 1month narin ang lumipas nang huli kaming magkita, sana nandon parin siya hanggang ngayon. Sana.
Mabilis na tumakbo ako nang bigla may mabunggo ako
"Pasensya na po, nag mamadali kasi---....... Sir Gomez?"
BINABASA MO ANG
SAVE your life in 3 DAYS
Mystery / ThrillerPara sayo ano ang unang pumapasok sa isip mo pag narinig o nabasa mo ang salitang "Save your life in 3 days". Kung siya ang tatanungin ito ay isang walang kwentang bagay. Ito'y isang kabaliwan lamang at di dapat siniseryoso, PERO paano kung isang ar...