[BEHIND THE MASK]
****
NOTE WARNING; 18 Y'Old and above (THIS CHAPTER HAVE SOME SPG SCENE)
AUTHOR POINT OF VIEW
nagising si Evie sa isang malambot na kama at pag dilat niya nang kaniyang mga mata ay nakita niya agad ang isang matipunong lalaki na nakatagilid sakanya
"Caleb" usal nito kaya napatingin sakanya ang lalaki
"His not here, may kailangan lang siyang ayusin"
Halata sa itsura ni Evie ang pagka dismaya niya nang makitang hindi si Caleb ang kanyang nakita pag gising niya kundi si Miles
"Nasaan ako?" Tanong nito habang nakahawak ang kanang kamay sa kanyang leeg
"You are in Clinic, naabutan ka naming nakahandusay sa hallway kaya agad ka naming dinala dito" pahayag sakanya ni Miles, biglang nag flash sa kanyang isip ang nangyari bago siya nawalan nang Malay at ang pagkuha Kay Madison, agad siyang tumayo habang iniinda ang sakit sa kanyang leeg na animoy parang may nakatusok na kung ano
"Hey, where are you going? Wala pang sinasabi ang nurse kung pwede ka nang lumabas"
Hindi pinakinggan ni Evie ang sinabi sa kanya ni Miles at nag tuloy tuloy lang siya hanggang sa makalabas na ito nang clinic, sinundan naman siya si Miles at sinusubukang pigilan
"Evie wait, ano bang problema? Ayaw mo ba akung kasama, tell me" hindi na napigilan ni Miles ang kanyang sarili na itanong ang mga bagay na yon' Kay Evie, alam niyang mahal na ni Evie si Caleb at ganun din si Caleb sakanya, pero ano bang magagawa niya nag mamahal lang siya at kahit anong move on niya kay Evie ay Hindi niya parin magawang kalimutan ang pagtingin niya Kay Evie
"Please wag ngayon, my best friend need my help, she need me right now... Wag' muna ako pigilan dahil mapapagod ka lang" saad nito, handa na sana siyang umalis nang magsalita si Miles na ikinahinto niya
"Kahit ano pang gawin mo, kahit ano pang sabihin mo hinding hindi ako mapapagod, Evie... I have something important to tell you" saad ni Miles na hindi ikinaimik ni Evie, hinihintay niya lamang ang susunod pang sasabihin ni Miles para matapos na at mailigtas na niya ang kanyang kaibigan
"Evie..., I-------"
"Caleb"
Naputol ang susunod na sasabihin ni Miles kay Evie nang biglang lumitaw si Caleb sa harap nila
"How are you? Kamusta pakiramdam mo? Bakit ka ba nakahandusay sa daanan kanina? May nangyari bang masama? Tell me" sunod sunod na tanong ni Caleb Kay Evie, napangiti na lamang si Evie sa mga pinag tatanong sakanya ni Caleb habang si Miles naman ay hindi alam kung ano ang gagawin, kailangan niya bang panoorin ang dalawa o aalis na lang siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya, he don't know what to do
"Pwedeng isa isa lang?" Tanong sakanya ni Evie habang pinipigilan ang kilig na kanyang nararamdaman
"I'm sorry, I'm just worried about you" saad ni Caleb na hindi parin maitago ang pag aalala Kay Evie
"Relax, I'm Ok don't worry" saad nito, wala nang nagawa si Miles kundi ang umalis na walang nakakapansin sakanya
"Ano bang nangyari? Si Madison, nasaan siya? May mga kailangan pa akung tanungin sakanya"
Naalala naman ni Evie ang dapat niyang gawin na muntik na niyang makalimutan dahil sa biglang pagsulpot ni Caleb
"Caleb, I need your help can you help me?" Hingi niya nang tulong Kay Caleb, napakunot noo naman si Caleb sa sinabi ni Evie
BINABASA MO ANG
SAVE your life in 3 DAYS
Misteri / ThrillerPara sayo ano ang unang pumapasok sa isip mo pag narinig o nabasa mo ang salitang "Save your life in 3 days". Kung siya ang tatanungin ito ay isang walang kwentang bagay. Ito'y isang kabaliwan lamang at di dapat siniseryoso, PERO paano kung isang ar...