[THREE DAYS/LAST DAY]
****
EVIE POINT OF VIEW
tulong..... Tulungan niyo ako.... Tulong.... Helllppppp...
***
Bigla akung nagising habang mabilis na tumitibok ang puso ko at malakas na kabog nang dibdib ko habang hingal na hingal at nanunuyot ang aking lalamunan
Inilibot ko ang aking paningin at inaalala ang mga nangyari bago ako nandito sa isang puting kwarto
Agad akung tumayo mula sa kama dahil hindi naman ako nakatali at tinungo ang pintuan, sinubukan ko itong buksan pero naka lock siya pati ang bintana ay nakakandado rin, wala rin akung makitang mga kagamitan maliban sa isang kama kung saan ako nakahiga kanina
Binuksan ko ang mga drawer na nakita ko pero ni isa sakanila ay walang kalaman laman
Bigla na lamang pumatak ang aking mga luha at hindi alam kung ano ang gagawin ko
Bakit ba to' nangyayari saakin?! Caleb, tulungan mo ko' kailangan kita bawat segundo diba sabi mo ikaw ang protektor ko?! Bakit wala ka dito? Bakit lagi ka nalang wala sa tuwing kailangan kita? Bakit? Sunod sunod ang pag patak nang aking mga luha hanggang sa may mahagip ang aking mga mata sa tabi nang kama, isang pulang kahon na nag pakaba saakin
Dahan dahan akung lumapit sa kahon upang kunin ito iba ang kutob ko sa kahon na to' hindi ko alam pero may Mali
Nasa harapan kuna ang kahon at nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba ito o hindi pero may nag sasabi na kunin ko ito para malaman ko kung ano ba ang laman nito
Ilang segundo ang lumipas ay nasa kamay kuna ang pulang kahon habang pinag mamasdan ko ito
Nanginginig na binuksan ko ang kahon at....
Malakas na kumabog ang puso ko at mas nanginig ang buo kung katawan sa nakita ko, isang baril na may kasamang letter kung hindi ako nagkakamali... 'Ayokong pumatay' yan agad ang naisip ko nang makita kung ano ang nakalagay sa loob nang kahon, kinuha ko ang sulat at binasa ang nakalagay
This is your last day to save your life I give you 14 hours to say goodbye to your love ones and to your beloved father get the gun good luck Miss Genevieve Lopez, happy good day
Tumingin ulit ako sa baril na nasa loob nang kahon, para saan to'?
*click*
Napatingin ako sa pintuan na bigla nalang tumunog ang hawakan mukang binuksan ito, hindi na ako nagdalawang isip at kinuha na ang baril saka pinihit ang pintuan na nakabukas na, sa bawat galaw at kilos ko ay alam nila kung paano ako magplano kung papansinin ko kahit walang tao sa paligid ko ay merong nakamasid saakin na hindi ko nakikita pero meron akung isa na hindi nila alam at yun ang gagamitin ko laban sakanila, ayokong pumatay pero kung kinakailangan gagawin ko this is the only way to escape in this hell, to kill and to be killed
tuluyan na akung lumabas sa kwartong yon' at tinahak ang daan na nakita ko, bahala na
***
CALEB POINT OF VIEW
nagising ako habang nakagapos ang mga paa ko pati ang dalawa kung kamay habang naka upo sa upuan wala akung makita dahil sa dilim na bumabalot sa paligid ko...
BINABASA MO ANG
SAVE your life in 3 DAYS
Mystery / ThrillerPara sayo ano ang unang pumapasok sa isip mo pag narinig o nabasa mo ang salitang "Save your life in 3 days". Kung siya ang tatanungin ito ay isang walang kwentang bagay. Ito'y isang kabaliwan lamang at di dapat siniseryoso, PERO paano kung isang ar...
