Chapter 33theWedding day)

4.3K 86 3
                                    


~ HAPPY READING~

this is it! mga kabayan! gusto ko na talaga tapusin ang istoryang ito so bear with me✌️😁

Chapter 33

Hindi alam ni Sabina kung ano na ba ang nagaganap sa paligid kasi nandito siya sa loob ng isang kilalang Salon na exclusive lang ngayon araw para sa kanya at sa kanyang mga bridesmaid.

Natapos ng ayusan ang kanyang mukha at ngayon naman ay ang kanyang buhok na ang inaayusan ng make up artist.

"Ang ganda ganda nyo naman
miss Sabina,hindi ako nahirapang ayusan kayo kasi natural na ang inyong kagandahan bumagay sa inyo ang gown ninyo hindi halata ang umbok ng tyan ninyo"

"Nako lovely binola mo pa ako pero thank you.
maliit pa kasi ang little angel ko kaya di pa siya masyadong halata "

"Nako hindi po miss Sabina totoong maganda talaga kayo makikita nyo mamaya titignan kayo ng mapapangasawa mo ng hindi siya makapaniwala, pag hindi po tumama ang hula ko e mag re-resign na ho ako sa profession ko at mag bebenta na lang ako ng sarili ko sa Japan"

Natawa si Sabina sa tinuran ng babae.

"Ano ka ba, alam ko namang magaling ka noh! hindi mo na kailangan patunayan pa ang ginagawa mo at nako! huwag ka ngang mag bibiro ng ganyan na mag bebenta ka ng sarili mo sa Japan"

"haha Oo nga po pala pwede naman dito sa Pilipinas na lang"

"lovely!"

"Joke lang ho Mam inaalis ko lang ho talaga ang tensyon na nararamdaman nyo"

"Halata ba?"

"Slight ho"


huminga ng malalim si Sabina para pakalmahin ang sarili.

"Nako okay lang ho yan Mam ganun naman talaga yata kapag ikakasal na, sari-sari ang emosyon na mararamdaman"

Muli ay himinga ito ng malalim.

"Ayan na ho okay na ang buhok ninyo, walang kahirap-hirap na ayusan kayo"

" thanks lovely"

" Oh my gosh Sabina!"

"belle!"

"Ang ganda ganda mo lalo"

"ikaw din naman bespren bagay sayo ang Royal blue mong gown you look stunning"

"hay nako kanina pa nga ako ino okray ng isang tao dyan, gusto pang takpan ang dibdib ko kasi daw kinulang sa tela palibhasa'y manong di alam alam ang salitang fashion!" medyo malakas na turan ni belle na obvious naman na pinaparinggan si sir Matt.

" anyway ang galing mo lovely thanks ha"

"Walang ano man ho Mam sa susunod ho kayo naman ang aayusan ko sa kasal ninyo" nakangiting Wika ng babae

"Nako lovely! hindi pa mangyayari iyon,or baka hindi na mangyayari kasi wala pang nag aalok sa akin ng kasal noh! o kahit Jowa wala pa ako!"

"Totoo po ba? ay bakit ho parang hindi sang ayon ang kasama ninyo, ayun po siya oh nakasandal sa pintuan mukhang masama ho ang tingin sa inyo"

"ay naku! Huwag mong pansinin yan! alipin ko lang yan!" nakangiting wika ni belle sabay kumpas ng kanyang kamay.

"oh ito saviii inumin mo muna para kumalma ka"

"Thanks belle"

"welcome bespren, ready ka na ba for your big day?"

"Oo,pero kinakabahan parin ako"

Desiring my secretary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon