OTHER SIDE

364 11 2
                                    

OTHER SIDE

yaaaaaah!!!

Suntok dito, suntok doon.

"Oh ano? Uulitin niyo pa ba yun?" hinawakan ko yung damit ng leader nilang lalaki na halos duguan na.

"Di na, di na namin uulitin." nanginginig na sagot ng kanilang leader na halos nanghihina na sa kakasuntok ko.

Binitawan ko na siya, at ayun tumakbo na sila palayo.

Wala rin pala silang binatbat.

"Salamat Yumi." sabi nong babaeng iniligtas ko don sa mga kumag na nambabastos sa kanya. Pero, teka, kilala niya ako. Isa ba siya sa mga fan ko?

"Kilala mo ako?" takang tanong ko.

"Oo naman, ikaw ata ang astig at isa sa gang leader ng Yungris' Academy. At, ang bait mo pala" aba naman, napangiti ako don sa sinabi nya. Tama naman talaga siya, kahit isa akong gang leader mabait rin naman ako.

"Salamat sa pagpuri..hehe, sige na. Umuwi ka na, sa susunod kasi wag ka ng suot ng suot ng damit na ganyan" tiningnan ko yung damit nya, mukha naman kasing bastusin..

Sumaludo na ako sa kanya at naglakad na ako papalapit sa motor ko.

Sanay na ako sa pakikipaglaban, isa ata akong Gang leader ng Yungris' Academy, na siyang ayaw ng Dad.

Well, wala siyang magagawa. Gusto ko eh.

Pinaandar ko na ang motor ko na regalo sakin ni Dad nong 16th bday ko.

Mabilis ang pagpapatakbo ko ng motor. Tiyak, hinahanap na ako ngayon ni Dad.

Naramdaman ko namang nagvibrate ang cp ko, kinuha ko ito sa may bandang bulsa ko. Isang kamay lang yung nagkocontrol ng motor ko dahil yung isa kong kamay ay nakahawak sa cp ko.

"Hello D----" di ko na naituloy ang pagsagot kay Dad, dahil nasa may highway na pala ako at biglang may malaking sasakyang sumalubong sakin.

Booggshh!!!!!!!!

Ang ingay..

Ang dilim..

Wala na akong nakikita, ang sakit-sakit sa may parteng ulo ko.

Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

---------------------------------------------------

A/N: kapag ang nakalagay na po ay Chapter 1 and so on na ibigsabihin po, edited na siya..salamat :))

=)

Kansamhamnida.. Saranghae!!!

OTHER SIDE (Under editing muna bago ipagpatuloy ang takbo ng kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon