OS 11.2- Fres Candy

55 3 0
                                    

"Ayoko niyan! ang itim."

"Tsk! ang daming pimples"

"Ang baba!"

"Pango!"

Alam niyo ba kung sino ang nagsasalita?

Ako lang naman, ang posing Troy. Wag ng kumontra...

Si Ayu kasi, mag gigirl hunting ra kami. Eh, di ko naman type yung mga tinuturo niya.

Haist!

"Alam ko na!" sabi ni Ayu. sabay evil grin.

"Ano na naman?!"

"Last na 'to Troy. Nakita mo ba yung babae sa may department store?" Tiningnan ko naman yung tinuro niyang babae.

At yun, pumasok kami sa department store.

Hmmmm...

Maputi, makinis ang legs at sexy pa. Hahaha

"Pwede na." sabi ko. LOL

Tinutulak naman ako ni Yumi papalapit don sa babae. Talagang gusto niya yung babae para sakin.

"Gorabels na Troy." inabutan niya ako ng fres candy.

"Hihintayin kita don sa labas."

"Oh sige." Binasa ko naman kung anong nakasulat don sa fres candy.

'Im so proud of you'

Huh? Proud siya sakin sa gagawin kong ito. Adik talaga.

Linapitan ko na yung babae.

Ehem.. "Hi Miss beautiful." hinawakan ko siya sa may balikat, nakatalikod kasi.

Humarap naman siya sa'kin..

"Hi ^_^"

ako naman O___O

"Pffffft... Hahahahaha"

"Sige! Tawanan mo pa ako!"

"HAHAHAHAHA"

"Sige pa!"

"Hahaha. Peace na kasi! Hahaha"

"Mamatay ka sana."

Pagkasab ko non, tumigil siya sa kakatawa na halos lumuluha na..

"Wag naman. Marami pa akong pangarap. Sorry na talaga Troy."

"So, at the first place you already know?" Tumango naman siya.

"Argggh!"

"Troy, Im really sorry. Sincere to ha."

Ewan ko talaga to sa babaeng 'to..

"Eh kasi naman."

"Eh, ano bang gusto mo?"

"Ang gusto ko? Yung may bangs, may nunal sa mukha, mababa, maputi, mabait, simple. Hanapan mo ko non."

"OK, hanapan kita non. ahahaha"

Tsssss....ikaw lang naman yung tinutukoy ko.Pati ba naman sarili niya di alam ang katangian.

Teka, dont get me wrong ah....gusto ko lang sana siyang pagtripan kaso medyo slow siya di nya alam siya na tinutukoy ko...

After ilang minutes, lumabas na kami...

"Hatid na kita." yaya ko sa kanya.

"Ah..eh..wag na. Andyan na yung sundo ko." tinuro niya naman yung white camry na sasakyan.

"Ah, by the way, akin na muna yang kamay mo."

"Huh? Bakit?" pagtataka niyang tanong.

Hinawakan ko na lang yung kamay niya then isinuot  yung bracelet na mukhang type niya ata kanina sa may accessories items kaya binili ko na. BAIT KO NOH??

OTHER SIDE (Under editing muna bago ipagpatuloy ang takbo ng kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon