OS 9- His Side

41 4 0
                                    

OS 9

HIS SIDE

THIRD'S PERSON POV

Medyo di nakatulog ng maayos si Ayu kagabi kaya naman. . .

"Oh, eyebags??" lihim na ngumiti si Troy.

"Che!! Kasalanan mo to eh!" umupo naman si Ayu sa kanyang upuan.

"Ah...so, naalala mo pa pala yun."

"Just shut up! Heto yung cake, lamunin mo hanggang sa mabilaukan ka at mawalan ng hininga hanggang sa makarating ka sa devil, sa mga kauri mo!" sa sobrang inis ni Ayu, ayan tuloy, kahit anong lumalabas sa bibig niya.

Ngunit si Troy naman, pangiti-ngiti lang. Parang nasisiyahan siya sa tuwing pinagtitripan niya itong si Ayu.

"Wag kang istorbo diyan ah."

biglang sabi ni Ayu.

Ipinatong nito ang kanyang ulo sa armchair at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Mukhang di ka ata nakatulog." mahinahong sabi ni Troy.

Since, wala pa naman ang kanilang teacher at mukhang di na naman ito papasok.

Inilagay ni Troy ang headset sa kanyang tenga at sinimulamg makinig ng kanta.

When you look me in the eyes, I catch the glimpse in heaven.

Tiningnan niya si Ayu habang natutulog.

Ngayon niya lang ata napansin, ang ganda pala nito. Para siyang anghel na natutulog, but on the other side merong something sa kanya na di niya maipaliwanag.

Nang magdako ang kanyang tingin sa mga labi nito. . .Naalala niya na naman ulit yung ginawa niya. Oo, sinadya niya yun. He can't resist with her kissable lips, parang minamagnet siya nito.

Bigla ng lang siyang napangiti.

"Ampupu naman. Ba't ko pa ba yun naaalala."

Ibinaling niya na lang ang kanyang tingin sa may labas ng bintana.

Simula ng namatay si Aly halos naging agresibo na siya sa lahat ng bagay. Para kasi sa kanya, si Aly lang ang kanyang buhay. Ngunit , nagkakamali siya.

Hindi lang sa isang tao umiikot ang ating buhay. Sadyang di lang natin napapansin na may  mga taong nakapalibot sa'tin, dahil sobrang naattached tayo sa isang tao.

Naisip tuloy ni Troy, sobrang attached na ata siya kay Aly. Pero, pano yung pagkamatay nito? Hindi na niya alam kung ano nga bang gagawin niya.

Ngunit sa tuwing kasama niya si Ayu parang nakakalimutan niya ang lahat.

Nawawala sa kanyang bokabularyo ang salitang "paghihiganti".

"Hay..Ano ba tong pinag-iisip ko." sambit ni Troy.

Before I let you go, I want to say I love you. . .

Saktong pag-off niya ng MP3, narinig niya ang linyang iyon.

"Should I let her go? And start a new. Aizt! Ang drama ko. Shit talaga!!!" ayan, dahil sa napasigaw si Troy-

"Walangdyo naman. Ang ingay mo !" at ayun, nagising na si Ayu.

"Eh, sa gusto ko." sagot ni Troy.

"Napaka mo talaga"

Matutulog sana ulit si Ayu, ngunit nabigla naman siya nang bigla siyang hinila ni Troy.

~_~ Ayu

"Uy teka lang. San mo ba ako dadalhin?" pinagtitinginan na sila ng mga estudyante.

"Ewan ko." di naman talaga alam ni Troy kung san ba sila tutungo.

OTHER SIDE (Under editing muna bago ipagpatuloy ang takbo ng kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon