OS 3 TRUTH BEHIND THE LIE

110 8 1
                                    

This chapter must be read, to understand and discover the truth behind the lie.

Pagdating ni Troy sa bahay nila Kevin, (A/Amga next chapters makikilala niyo siya).. Napansin niyang di na niya suot-suot ang bracelet, simbolo ng kanilang Shinwou’s Academy Gangster—SA.

“Oh, anong problema Troy?” Pagtatakang tanong ni Kevin nang mapansin niyang tila di  mapakali si Troy.

“Kevz, yung bracelet nawawala.” Umupo na si Troy paharap kay Kevin.

“Yung SA bracelet?”

“Oo pare, pocha! Baka may makabasa pa nong inukit ko don” kung natatandaan natin yung bracelet na napulot ni Ayu na may nakaukit na ‘For Revenge, Alys’. Yon yung tinutukoy niya.

“Sa campus lang naman siguro yun nahulog” pagpapakalma ni Kevin kay Troy, at may inilabas itong papel. “Ito lang yung nakuha naming impormasyon” inabot niya ito kay Troy.

“Bianca Angelo ang pangalan niya? Wala ba siyang picture?” tutok na tutok pa rin siya sa mga nakasulat na impormasyon sa papel.

“Actually pare, sabi raw after the accident they delete other information especially yung pictures nitong babae.”

Tumango lang si Troy at inilagay niya yung papel sa kanyang bag.

“Baka makakuha pa tayo ng karagdagang impormasyon kapag sa Yungri’s Academy mismo” sabi  ni Troy.

“Pare, ano bang gagawin natin kay Bianca Angelo kung sakaling mahanap na natin siya” tiningnan ni Troy si Kevin. Mababasa sa mga mata ni Troy ang hiangpis at paghihiganti.

“Kailngan niyang bayaran ang ginawa niya kay Alys” nanggagalaiting sabi ni Troy.

“Pare, bat siya lang? Eh grupo diba sila. Di nga natin alam kung siya nga ba talaga.”

“Kitang-kita ng dalawa kong mata”

(FLASHBACK—months ago)

Nagkasagupaan ang dalawang grupo ng gangster—Shinwou’s Academy Gangster and Yungri’s Academy Gangster.

“Hoy! Kayong mga maangas! Pwede bang magtigil na kayo. Paepal naman kasi kayo!” sigaw ng babaeng astig ang porma, halos naka allblack, eyeliner, lipstick and accessories. Ito ay si Skelite (pronounce as Skelit), ang leader ng YA Gangster at ang sinasabi nilang si Bianca Angelo raw.

“Kami paepal?!! Eh loko pala kayo eh, kaming nauna dito” sigaw ni Troy. Siya rin ang leader ng SA Gangster.

“Uy! May chicks.. Witwew!” singit ng isa sa mga miyembro ng YA Gangster. Nagsitinginan naman silang lahat.

“Alys, anong ginagawa mo dito” tumayo si Troy at linapitan si Alys, ang babaeng kanyang minamahal in short girlfriend niya. XD

“Nakita kasi kita ^_^” hinalikan ni Alys si Troy sa may bandang pisngi.

Tumayo naman yung isa pang miyembro ng YA Gangster, at linapitan si Alys.

“Ako, pwede mo rin bang halikan dito?” tinuro niya ang kanyang pisngi. Palapit na ito ng palapit kay Alys. Nang malapit na ito kay Alys, sinalubong ito ng napakalakas na suntok ni Troy. Nagsitayuan silang lahat.

“Pocha! Binabastos mo girlfriend ko” akma pa sanang susuntukin ni Troy yung lalaki nang mabilis naman nitong nahawakan ni Bianca ang kamao niya.

OTHER SIDE (Under editing muna bago ipagpatuloy ang takbo ng kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon