OS 2 Bracelets

115 9 1
                                    

Nagbabike ako ngayon papuntang Shinwous’ Academy. Nakakatamad mag commute, mas feel ko mag bike eh.

Ooooopsssss….

Anong nangyayari ditto sa bike ko. Pagiwang-giwang na ako sa pagbabike, ginamit ko yung break.

Oh no! Sira ata. Kainis naman..Bagong bili pa nga lang..

May mababanggaan ako.

“Kuya tabi!” tumingin sakin yung lalaki, ngunit huli na ang lahat. Nabangga ko na siya at ayun dedok na siya.

Joke lang! Buhay pa naman yung lalaki, di naman six wheeler na truck ang nakabangga sa kanya.. Kaya lax lang.

Aray!!! Ang sakit ng buto- buto ko.

May umabot ng kamay sakin, pagtingin ko, yung lalaking nabunggo ko.  Grabe naman, di man lang siya napurohan.

“Sorry and thank you ^_^” inabot ko yung kamay ko sa kanya upang makatayo ako.

“It’s okay, next time be careful ^_^” Wow! Englishero si Kuya at ang bait niya pa.

“Opo, thank you po” inayos ko na yung sarili ko.

“Don’t use that “po” thing, because I’m not that kind of old man” Ehem..

Pahingi nga ako diyan ng panyo. Baka mag bleed nose pa ako dito. Hahaha

“Ah sorry, I’m just thinking that you're older than me” Shitey naman…! Napaenglish na tuloy ako.

“haha.. I’m just a third year student of Yungris’ Academy” Wow ah..  third year pa lang siya. Tsk…

“Saan ka ba nag-aaral?” Nagtagalog na si Inoy.. hehehe

“Sa Shinwous’ Academy, neighbor school mo ^_^”

“Good! Sabay na lang tayo”

“Pano tong bike ko?” kinuha niya yung bike ko.

“Ako na nitong magdadala. Kailangan na nating umalis, baka malate pa tayo.”

Sinimulan na naman ang paglalakad. Siya naman, tulak-tulak yung sira kong bike. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

“Ano nga palang pangalan mo?” sasabihin ko ba yung tunay kong pangalan???

Hmfff…

“Kyle Ayumi, ikaw?” Tumingin siya sakin, parang nagtataka.

“Ang cute ng name mo, Chriz Calleja nga pala”

Inabot niya yung kamay niya, syempre nakipagshake hand na rin ako sa kanya.

Napansin ko yung kamay niya, naka band aid pala. At may sugat siya sa labi, basagolero ba to? Ang layo naman sa itsura niya.

Kakaagaw pansin rin yung bracelet niya na may AYH na nakalagay sa gitna ng bungo. Tinitigan ko ito ng mabuti. Parang may nagpaflashback, pero malabo at sumasakit yung ulo ko.

Biglang inalis na niya yung kamay niya.

“Masarap bang hawakan ang kamay ko?” “Masarap? Ano yun pagkain lang.

“Tsk.. May tanong ako sayo?”

“Ano yun Yu---, ah Kyle?” Hmmm.. Di ako sanay na tawaging Kyle, malamang di ko yun pangalan.

OTHER SIDE (Under editing muna bago ipagpatuloy ang takbo ng kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon