C H A P T E R 4

344 9 0
                                    

Kanina pa kami nagtatalo ni Sixty Catorse dahil pinagdrive ko siya papunta sa High Vox sa bgc kasi pupuntahan ko si Alfred Jay at kakausapin ko siya. I know na nandoon pa siya sa unit dahil wala naman siyang schedule sa trabaho ngayon.

"Bakit mo pa kakausapin? malinaw naman ang sinabi niya diba? sinisiraan ka niya! para siyang tanga! ikaw naman pupuntahan siya, ano pang usap gusto mo?"

"Sixty para kang di manager ah! dapat nga ikaw ang gagawa ng paraan para magkausap kami eh at magkalinawan." tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng uptown at nagcrossed arms. Nanlaki ang mata ko dahil bawal dito magpark. "Mahuhuli tayo dito Sixty! Ano ba!"

"Makinig ka muna sa akin, hindi ngayon ang right time na makipag-usap okay!"

"Kailan? pagwala na akong career at wala ng nag-ooffer ng project? mahal ko si Alfred Jay Sixty, siguro naman kahit katiting may pagmamahal pa rin siya sa akin at maayos namin to, kahit ito lang..." nakayukong sabi ko.

"Pag-ikaw na tanga iiyak sa akin sasabihin ko talaga sayo 'ayan! susunga sunga' Sa umpisa palang sinabihan na kita na putangina yang Alfred Jay na yan! na puro lang yan mukha wala namang pagkalalaki, ano ginawa mo? yun sinuway mo ako! may pateam real team real pa kayo!" naramdaman ko na lang na umusad ang kotse.

Nakapasok kami sa loob ng High Vox, si Sixty na ang kumausap sa guard, sinabi nito bibisita lang. Pagkadating namin sa unit ay sumandal si Sixty sa dingding at nameywang. "Hindi ako papasok, you both need time. Pero hindi ibig sabihin magsex ha! Mag-usap kayo, ito sinasabi ko sayo ha, this is not the right time to talk pero dahil sobrang stubborn mo sige hahayaan kita."

Akmang yayakap ako sa kanya ng sumenyas siya na wag, alam kong galit siya sa akin pero isang bagay lang alam kong totoo, she's concern about me. Kahit pa sa umpisa ay ayaw na niya kay Alfred Jay.

I pressed his doorbell, nakatatlong press ata ako ay wala paring nasagot. Nilabas ko ang wallet ko ay kinuha ko ang swipe card na binigay niya sa akin before incase na gusto kong pumunta sa unit niya noong kami pa. "Oh diba di na kayo? bakit gagamitin mo yan? baka pagbintangan ka pa niyang magnanakaw ng appliances niya sobrang kwentador pa naman niyan." kumento ni Sixty.

Hindi ko na lang ginamit at pinindot ko na lang ang door bell. After two try ay bumukas ang pinto. Nagulat ata siya ng makita ako. "Eidanne please ayaw ko ng--" sinampal ko ang mukha niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo Alfred Jay. Alam mo sa sarili mo na hindi ko ginawa yang mga pinagbibintang mo. Akala ko ba gusto mo manirahan ng tahimik, kaya ka nga nakipaghiwalay sa akin diba? Nagloko ka pero wala kang narinig mula sa akin, ngayon bakit ako ang binabaliktad mo? "

Pagsasarhan niya sana ako ng pinto pero maagap ako at naiharang ko ang katawan ko at nakapasok ako sa loob ng unit niya at inaway ko siya ng inaway. "Shut up! nakakasakal ka na! diba ito naman ang gusto mo? ang gusto natin? popularity! ito na oh! " sabi niya habang idinidipa ang kamay niya.

"Popularity in the extent of blaming me for the things that I never ever done to you? bakit mo ako sinisiraan! mahal parin ki--"

"Hindi na kita mahal Eidanne kaya please pakawalan mo na ako."

"Pinakawalan na kita Alfred Jay, pero ako naman ang hindi mo pinakawalan sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng mga hindi makatotohanang issue."

"Get out! you're not welcome here!"

"Take back what you said first! bawiin mo yung mga paratang mo laban sa akin or else I'll ruin you!" pagak itong tumawa at tinulak ako paalis sa unit niya. "Do what you want bitch!" Sinapak ko siya at sinipa sa crotch area niya, nagmadali naman akong lumabas. "Oy! anong nangyari!" hinila ko na si Sixty at sumakay agad sa elevator. Akala ko hahabulin ako ni Alfred Jay.

Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon