C H A P T E R 16

208 4 0
                                    

"Naku juice ko ka Eidanne! itong anak mo! ito ata ang magiging sanhi ng pagkalosyang ko!" binigay agad sa akin ni Sixty si Marie Currie na walang humpay ang kakaiyak.

"Anong nangyari ba?"

"Eh pinagbawalan ko kumain ng chocolate, ayan nagiiyak." Hinaplos ko ang anak ko. "Nak diba sabi ko bawal chocolate, sasakit ipin mo mamayang gabi."

"Gusto ko!" maktol nito sa akin. "Di nga pwede okay, makinig na kay Mommy pagod ako from work tapos magpapasaway ka, saan na ako nito." drama ko, automatic na huminto ito sa pagikbi at tumango tango. Binigay ko yung bago kong bili na toys, kinuha naman niya at nagsimula ng maglaro mag-isa.

"Kamusta?" tanong ni Sixty, dahil doon sa tanong niya ay bumalik uli yung nangyare kanina sa basement. Di ko naman mapigilan na di makwento.

"Ano? ikaw talaga napaghahalataan ka talaga!"

"Eh di ko rin kasi alam bakit yun agad lumabas sa bunganga ko." nasabi ko sa kanya yung pagtanong kung girlfriend kay Mam Eurydice. "Oh anong naramdaman mo noong nagkita kayo?"

"Nanginig ako." totoo kung sambit, tawa ng tawa si Sixty, ako naman ay tinignan lang siya.

"Kala ko ba simpleng kamustahan lang bakit may panginig-nginig ka pang nalalaman, quickie ba?" hinampas ko siya dahil baka madinig ng anak ko.

"Walang ganon bakla ka ng taon!"

-

NAGSIMULA na ang shooting namin with Direk Cath, so far ang bilis at ang ganda ng work namin. Nasa iisang track talaga kami, seryoso yung mga bagets na artist sa lines nila kaya halos lahat ng kuha ay good shoots. Ang bilis ng pacing, scene to scene, masaya talaga ang bond. Isa rin ito sa gusto ko kay Direk Cath eh, she can do miracle.

We are on our break ng dumating ang mga owner, syempre we entertain them, sila din kasi ang may hawak ng production at ng Cinema Singkwenta.

Nanginig ako habang hawak ko yung kape ko. Nakita ko kasi si Isaac. "Alam ko part na din siya ng Upper dahil pinakilala sila ng executive na holder." Dinig ko pang sabi ng ibang artist, tinutukoy nila si Isaac. Ortaleja lang naman ang may-ari ng Network at ng Cinema Singkwenta.

Pinagmasdan ko siya, ang laki ng ipinagbago niya. Bukod sa mamahalin na ang suot niyang damit ay pati na din yung character niya ay nag-iba. So you know Christian Grey? parang they almost had the same vibe.

Sinundan ko siya ng tingin, lumapit siya kay Direk Cath, di ako sure kong anong topic nila. Pagtitignan mo siya aakalain mo na isa siyang scholar na may mahabang katungkulan pagdating sa negosyo. He talks to people as if he knows everything.

Lumingon siya sa gawi ko, sa taranta ko ay dinampot ko ang martilyo at nagkunwaring pinupupok ko yung box naprops namin sa set.

Nagtaka yung mga staff, buti na lang di ako sinaway. Nang maramdaman kong wala na yung tingin niya sa akin ay agad ako tumingin sa kanya.

Naibagsak ko ang martilyo dahil papunta pala siya sa akin! "Hey!" agaw niya sa hammer ng dinampot ko uli. "Oh ikaw pala! nako sorry di kita napansin busy ako, ito oh inaayos ko yung props namin." maangmaangan ko.

"Ahmm would you like to have some coffee later, you know after ng taping.." nakapamulsa na ako. "S-sure, saan naman?"

"I know a place." sabi niya, nakatinginan lang kami. "So..." we both said in unison, napatawa kaming dalawa ang awkward kasi!

"Sige see you later I'll message you." sabi niya at tumalikod na, bigla akong nanlumo. "Wait! can I have your number, naalala ko wala na pala akong contact sayo." he casually said.

Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon