C H A P T E R 6

283 10 0
                                    


PAGKAUWI ko sa cottage na tinutuluyan ko ay agad ko na inisip ang sinabi ni Isaac sa akin. Possibleng magustuhan niya ako dahil sikat ako dati. Sure ako kung gusto man niya ako, dahil yun sa mga nakikita niya sa TV. Natagalan ako  matulog, dahil sa kakaisip sa napag-usapan namin. Naiisip ko din Alfred Jay, hindi ako makapaniwala na makakapagsabi siya ng mga ganoon bagay laban sa akin.

Siguro mga alas tres na ng nakatulog na ako, at nagising ako mga bandang ten am dahil sa ingay na nanggaling sa labas.

Pagkalabas ko ng Cottage ay nakita ko si Isaac kasama ang mga grupo ng mangingisda, nagtatahi uli sila ng net, mukhang bago. Hindi pa niya ako napansin dahil busy siya sa kakausap sa mga kasamahan niya.

"Gwapo ano?" napabaling naman ang tingi ko sa gilid at nakita ko si Yaya Ising na may bitbit na mangkok. "P-po?"

"Sus kita ko yang tingin mo, gusto mo ba yang apo ni Mamang? wag ka na mahiya halos lahat ata ng dalaga sa bayan ay may crush dyan eh." Inabot niya sa akin ang mangkok, nagpasalamat naman ako dahil makakalibre ako ng umagahan. Magbibigay sana ako ng pera kay Yaya Ising bilang pangambag ko sa mga pagkain, kaso inayawan niya.

"Ano ka ba! hindi naman kami magastos sa ulam dito kasi kita mo puro gulay lang yan at nasa bakuran lang namin."

Nag-usap pa kami ng matagal ni Yaya Ising, nakwento niya yung childhood ni Sixty, Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na pala si Isaac at matamang nakikinig sa usapan namin ni Yaya. Nang nagpaalam na ito ay saka na siya nagsalita, inaaya niya uli ako sa batis mamayang hapon. "Mainit ang panahon ngayon, doon tayo magpalamig, malamig ang batis paghapon na." nakangiti niyang sabi.

"Sure, may baon ba?" pabiro kong sabi. "Wala eh, gusto mo ba magbaon tayo? tara gawa tayo." sumama ako kay Isaac sa bahay ni Mamang, nakita naman namin ang matanda na nasa balcon at hinahasa ang kanyang mga kutsilyo na para bang hinahanda niya para sa greya. “Oy saan ang punta?” sita nito sa amin, nagmano naman ako sa kanya, si Isaac naman ay kakamot kamot ng ulo. “Sa kusina sana Mang, gagawa kami ng baon.” Hindi parin ako binitiwan ni Mamang.

“Una ka na sa kusina apo, kakausapin ko lang itong magandang dalagang to.” Isaac mouthed sorry, and I make and okay sign. “Akala ko sa kwarto kayo pupunta, aba’y ayaw ko naman na gawin niyo iyon dito. Gusto nyo bas a hotel nyo gawin yun?... hehehe openminded naman ako eh.” Natatawang sabi ni Mamang, naguguluhan naman ako kung ano yun, may idea ako pero sinisigurado ko lang kasi baka iba naman pala ang ibig niyang ipakakahulugan.

“Ano po ba yung sinasabi nyo Mang?” lumapit siya sa akin sabay bulong ng… “Sex.” Pulam pula ang mukha ko, si Mamang naman ay sobrang lakas ng tawa. Sumilip si Isaac at agad naman niya akong hinila palapit sa kusina. Todo hingi siya ng pasensya sa akin. Tinanong niya kong ano ang sinabi ni Mamang sa akin. “Nag-jo-joke lang siya.”

“Ito oh, magprito na lang tayo ng toyo, o ano bang gusto mo? Hindi ko kasi alam kong ano ba ang gusto mong baon, kung prutas naman mamitas nalang tayo ng mangga sa may malapit doon sa batis.” May mga nakalabas na gulay, gusto ko sanang magluto ng adobong sitaw, pero hindi naman ako marunong.

“Marunong ka bang magluto ng adobong sitaw?” tanong ko. “ Oo, gusto mo bay un?, magluluto ako saglit.” Hinanda niya ang mga gagamitin, ako naman ay nakatingin lang sa kanya. "Isaac paano ka natutong magluto?”

“Sa Nanay ko, ako kasi ang panganay sa amin, kaya dati noong may trabaho siya ako ang nagluluto para sa mga maliliit kong kapatid.”

“May kapatid ka pala, saan na sila?"

“Oo tatlo kami lahat, kaso namatay na sila kaya ako na lang mag-isa.”

“Sorry, okay lang ba kung tanungin ko kung ano ang ikinamatay nila?” Humarap siya saglit sa akin saka tinuloy ang paghihiwa ng bawang. Grabe parang expert na siya kong mag hiwa ah. “Yung dalawa sa kanila may Progeria.” Agad naman ako napanganga dahil may naalala ako.

Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon