C H A P T E R 11

251 5 0
                                    

"ANO tanga tayo ng taon bes?" Sixty said to me. Nasa Unit siya.

"Mahal ko pa talaga si Jay Ty, pero si Isaac-- para ko naman siyang pinaasa."

"Hindi parang pinaasa, pinaasa mo kamo! girl eh let go mo yang isa ano gusto mo may reserba? aba antaray naman!" masama ko siyang tinignan "Alam mo ikaw kong masalita ka para kang juding, sobrang straight to the point eh nakakasakit na."

Hinampas niya ako ng hawak niyang papel. "Masakit? aba totoo itong sinasabi ko. Kung ako sayo habang maaga pa bitawan mo na si Isaac, magkakasakitan lang kayo at kung talagang disidido kang magka-second chance with Jay hala gawin mo. May mga what if's sa dulo pero ganon talaga di ka pwede pumili ng dalawa sa isang bagay na ang kinakailangan lang ay isa okay? "

NAIPALABAS na ang premier ng movie namin, kabi kabila ang tanong sa akin. Hindi parin maalis yung about sa amin ni Alfred Jay at syempre yung scandal. Sabi nila itanggi ko pero hindi ko tinanggi, nagpublic apology ako sa press at sabi kong tao lang ako nagkakamali ang pinagkaiba lang ay ako open na open sa public ang pangcri-critized sa akin.

Sa dami ng issue na kinakaharap ko parang tumigas na rin ang kalamnan ko sa mga batikos. Nagpapasalamat ako kay Sixty at kay Isaac dahil nandiyan sila sa tabi ko, kahit na hanggang ngayon ay hindi ko natutuunan ng panisin si Isaac.

Two weeks had passed at di-neclare ng isang famous movie reviews ang movie namin ay flop. Nalungkot ako dahil feeling ko ako ang may kasalanan dahil sa aking mga issue. Sixty told me na baka wrong timing lang ang release nito kasi nasabay sa mga Hollywood movies pero hindi parin yun nakagaan sa akin.

I call Isaac para imeet niya ako dito sa manila bay na ngayon ay malinis na.. As usual I'm wearing my disguise. Its almost 7:58 pm. Dinukot ko ang basic phone ko-- which is mas mainam dahil pag nanakaw ay hindi masakit sa bulsa at iwas blackmail pa. Naalala ko tuloy yung ka work ko na artist nawala yung phone niya kinabukasan nahack lahat ng social media niya grabi talaga yung pamamahiya na ginawa ng hacker.

"Hello? saan ka na?" napangiti ako dahil narinig ko ang boses niya. "Dito na ako, saan ka nakaupo--teka nakita na kita, grabe ang ganda naman kahit mukhang holdaper."

Hindi naglaon ay nakita ko siya, yung isa niyang kamay may bitbit na supot na puros barbecue at may dalawang coke mismo habang ang isang kamay niya ay nasa cellphone niya.

"Kita mo ba ako?" hindi ko parin binababa ang phone ko. Nakita niya ako at ganon din siya di niya pinutol ang call.

"Oo ang ganda nga eh."

"Wala akong kilay..." nakalabi kong sabi habang papalapit na siya sa akin. Nang nasa tapat ko na siya ay binaba niya ang tawag at yumuko para halikan ako sa labi. Wet kiss! pabiro ko siyang sinampal. "Hoy kuya di kita kilala manyak ka ah!"

"Miss pa score bigyan kita wampitti." sinabayan niya pa ng tawa, dapat nga mainis ako pero natagpuan ko ang sarili ko na niyayakap siya at nagsasasayaw kami sa gitna. Wala na man akong paki sa tao. "Miss buang ka na, may girlfriend na ako kaso willing naman akong maging cheater basta ikaw..." pinaghahampas ko siya.

"Gago! diba sabi mo ako girlfriend mo ngayon kabit mo din ako?"

"Syempre, kasi yung girlfriend ko may kilay yun, ikaw kasi medyo-- slight lang, hahaha wait! ano ba joke lang!" hinuli niya ang kamay ko na humahampas sa kanya. Nang napagod kami ay bumalik kami sa kinauupuan ko at binuksan niya yung supot. Naglaway ako bigla kasi ang sarap ng amoy. Sakto wala pa din akong kain!

"Ang dami naman nito! wait ano to bakit parang bulate?"

"Isaw yan, masarap yan, ito tenga ng baboy mas masarap to kesa sa laman." Parehas kaming kumain na dalawa habang iniinom ng coke. "Isaac flop yung movie..."

Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon