TANGHALING tapat nasa sala sila lahat, kahit tagak tak ang pawis niya dahil hindi nakatutok sa kanya ang electric fan ay baliwala ito. Ang mahalaga ay masubaybayan niya ang palabas ng isa sa kanyang paboritong artista. May palabas ito sa tanghali."Kuya maganda siya diba?" tanong ng nakababata niyang kapatid na si India. "Oo naman, magaling pa uma-acting." hinalikan niya pa ang noo ng kapatid niya, mas bata ito sa kanya pero dahil sa sakit nitong progeria ang katawan nito ay maagang tumanda. Sa katunayan dalawa sa kapatid niyang babae sa ina ay may progeria. Walang lunas ang sakit na ito, kaya kahit walang wala sila ginagawan nila ng paraan ang lahat para mapasaya ang mga kapatid niya dahil pinahiram lang ito sa kanila.
"Kuya nakita na namin siya sa personal sa foundation, alam mo ang galing galing niya kumanta." sabat pa ni Preya. "Talaga ba?" agad na lumapit ang kapatid niya at kumalong sa kanya.
"Oo kuya, mahaba buhok niya tapos ang bait bait po niya, binigyan niya po kami ng gifts pati din si Nanay."
"Ang mabuti pa kuya ay sumama ka sa amin sa foundation next time. Makikita mo siya, alam mo ba sabi niya kami raw ay mga angel from above, one day if Lord decided to get us, bibigyan daw ni God ng reward ang mga family namin dahil inalaagan kami at minahal." kwento pa ni India habang nakatutok ang mata sa palabas
"Sinabi yan ni Eidanne Lustrano sa inyo?" sabi niya. Alam naman niya na pampalubag loob lang yon ng artista sa mga magulang ng mga batang may progeria.
"Opo Kuya, nagrequest pa nga kami kay Ate Danne ng another pair ng colorful wigs eh, dibs India?" siniko ng kapatid niya ang kapatid niyang isa na abala sa panonood.
"Ganon ba, sige next time sama ako sa inyo sa foundation." Kahit man siya ay gustong gusto ang artistang yon, bukod kasi sa talentado ito eh modelo ito ng isang taong masikap sa buhay para maabot kong asan man siya ngayon.
"Hala kuya baka pwede mo siyang gawing girlfriend!" suhestyon ng mga kapatid niya, tinawanan lang niya ang mga ito. "Kayo talaga! yan ata ang epekto ng panonood ng teleserye sa hapon. Yan..." tinuro ni Isaac ang babae sa telebisyon. Si Eidanne lustrano.
"...mahirap makuha ang kagaya niya lalo na sa isang tulad ko." sabi pa ni Isaac. Alam niya sa sarili niya na isa siya sa masugid na tagahanga ng dalaga pero ang hangarin ito ng mahigit pa sa nakikita niya sa TV ay malayo.
"Bakit naman kuya? pogi ka, pwede ka din artista at mapagmahal ka at maalaga pa. Bayaan mo pagkinuha na kami ni Lord sasabihin namin kay Jesus na sana ikaw kuya ay maging asawa ni Ate Eidanne." inosenteng sabi ng kapatid niya, nakaramdam siya ng kirot sa puso. Hindi kasi inilihim sa kanyang mga kapatid ang kondisyon ng mga ito. Batid ng mga ito na ang hangganan ng buhay nila ay hindi gaya ng buhay ng iba.
"Wag kang magsalita ng ganyan Preya ha!" agad niya itong niyakap, yumakap na din ang kapatid niya isa. Tatlo na silang magkayakap habang nanonood ng tv. "I love you Kuya, pagkinuha na kami ni Lord God ikukwento namin sa kanya na mabuti kang kuya at irerequest ko na makahanap ka ng mabuting asawa gaya ni character ni Ate Eidanne sa my beautiful life. Irerequest ko kay Jesus at Lord God na pagumalis kami magiging masaya na kayo ni Nanay." Nakangiting sabi ng kapatid niya. Bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata. Kahit pa sabihing gaano kahanda ang isang pamilya sa usaping kamatayan, hindi parin maaalis sa dibdib ang kaba at lungkot sa oras na mangyari iyon.
"Ready naman kami ni Preya kuya. Sobrang saya po namin sa bawat araw, wala na kaming hihilingin pa na para sa aming sarili kasi lahat ng gusto namin ay kayo ang nagbigay puwang, si Lord God sobrang bait niya dahil binigyan Niya kami ng kuya na gaya mo at Nanay na kagaya ni Nanay." humigpit ang hawak niya sa mga kapatid niya. Wala na siyang paki kong magkanda baon baon sila sa utang. Pera lang yan kayang kitain at bayaran, pero ang buhay at panahon ng kanyang mga kapatid ay hindi.
"Mahal na mahal ko kayo..." pinunasan ng dalawang kapatid niya ang luhang umaagos sa kanyang mga mata.
"Sumama ka sa amin sa foundation kuya ha, ipapakilala ko si Ate Eidanne sayo..." tango lang ang sagot niya dahil umiiyak parin siya dahil sa sinabi ng mga kapatid niya sa kanya.
"Wag ka na umiyak kuya, kuya ka namin dapat hindi ka umiyak."
LOVE AND HOPE FOUNDATION
Halos hindi siya makapagsalita ng makita niya ang dalagang iniidolo nila na kinakantahan ang mga batang may progeria at ang mga tao sa loob ng foundation.
Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ng bintana. Matapos itong kumanta ay nagkainan na ang mga nasa foundation, nagsalo salo ang lahat sa mga nakahaing pagkain. Binigyan siya ng plato ng nanay niya na punong puno ng pagkain.
Kaso naibaba niya yon ng matanaw niya si Eidanne na kuyog kuyod nina India at Preya na papunta sa gawi niya. "Ano to Prey? India?." agad naman niyang sinaway ang mga kapatid.
"Ate Eidanne si Kuya Isaac namin!" pinakilala siya ng kanyang mga kapatid sa dalaga, nanliit naman siya dahil napakaganda pala nito sa personal. "Oh hi Isaac, nice to meet you." nilahad nito ang kamay, maagap naman na tinanggap ni Isaac yon.
"Naku pagpasensyahan ka na Miss Eidanne sa mga kapatid ko." tinignan niya ang mukha nito, parang gusto na niyang matulala sa harap.
"Okay lang, ang totoo niya masaya ako na makilala ang mga kamag-anak ng mga batang ito." nabighani si Isaac sa ngiti na nakita niya, halos hindi na siya kumurap para lang kabisaduhin ang mukha ng dalaga. Nagbalik lang ito ng nagsalita ang mga kapatid niya.
"Ate Eidanne pwede po ba kaming mag request?" agad na yumuko ang dalaga. "Ano yon Preya, India?"
"Pwede po ba kayong magdate sa future?" innosenting tanong ni India. Natawa lang ang dalaga. "Pwede siguro, diba?" tumingin ito sa kanya at saka siya kinindatan. Alam niyang biro lang yon. Pero umaasa siyang sana nga mangyari yon sa hinaharap.
"Yehey! thank you!" agad na umalis ang dalawa kaya naiwan si Isaac kasama si Eidanne. Hindi niya alam kong papaano sisimulan magsalita.
"Sama Miss Eidanne sa paglalaan ng oras sa mga kagaya nila."
"Oy wala yon, at saka masaya naman ako na naglalaan ako ng oras sa mga kagaya nila. Nakakataba ng puso."
"Yon sinabi ng mga kapatid ko, pagpasensyahan mo na. Idolo ka ng mga yon dati pa-- ako din idol din kita kasi madalas kaming nanonood ng teleserye mo. Wag mo na lang pansinin yong sinabi nila." tinapik siya nito sa balikat. "Wala yon, masaya naman sila yon ang mahalaga. Teka ano nga uli pangalan mo?"
"Isaac Einstein Guevarra."
"Wow nice name ha. By the way nice to meet you again." ikinagulat ni Isaac ang sumunod na nangyari dahil hinalikan siya ni Eidanne sa pisngi. Wala lang siguro iyon para sa dalaga pero para sa kanya may nagbago.
"See you around ha, thank you for supporting my shows." tumalikod na ito sa kanya at pupunta na sa kumpol ng mga bata pero tinawag niya ito kaya nilingon siya.
"Miss Eidanne alam kong malabo pero yong sinabi ba ng mga kapatid ko possible bang magkatotoo sa hinaharap?" nagulahan ata ang dalaga kasi bahagyang kumunot ang kilay nito. "Alin doon?"
"Yong makikipagdate ka... sa a-akin." binigyan siya ng magandang ngiti ni Eidanne. "Siguro, we don't know. Anong malay natin parehas diba." kumaway na ito at tuluyan siyang tinalikuran.
Napahawak siya sa pisngi niya, ang bading man sabihin pero lumambot ang puso niya dahil sa kiss na yon.
"Eidanne hindi ito ang last nating pagkikita. Magiging tayo din... di nga lang ngayon." mahinang bulong niya sa kanyang sarili. May humawak naman sa kamay niya, Si Preya ang kapatid niya. "Don't worry kuya, I'll talk to Jesus and Lord God about that. Tutuparin namin yon. Magrerequest kami sa Kanila." tumawa lang ng tumawa abg makulit niyang kapatid.
Hindi mapanas ang ngiti niya sa mukha habang tinitignan ang dalaga...
WAKAS
xxx
J U S T
UNEDITED
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty Armor
General FictionShe's a star whose bright is in the edge of downfall, can someone save a dying star?