C H A P T E R 17

212 5 1
                                    

ALMOST MONTHS of working with Direk Cath ay malapit na din matapos. After nito may job uli ako yung Erotic Romance Movie na hango sa isang online book.

After that incident di na kami nagkita pa ni Isaac, I keep on texting him kung saan siya pero I was failed to get a reply. When I read my text messages nasapok ko din ang sarili ko, para kasi mino-monitor ko siya. It turns out na bumalik na pala siya ng Cebu. I don't know what to feel about it, alam ko naman na nagkausap kami one time at nag-okay naman siya sa friendship diba. So yun ang nirarant ko lang ay yung hindi ko siya macontact!

"Problem?" tanong ni Direk Cath noong nagkaroon ng coffee break. "Wala naman po Direk."

"Sus meron, lalim ng adlip ng linyahan natin pero I like that you add another lines." napakagat ako ng labi, at pumikit pikit ng ilang beses. "Direk wait!"

"Ano yun?" lumingon siya sa akin.

"Direk kasi ganto, I have friend na may dati siyang friend. Nakahiwalay sila dahil sa isang miss understanding. Tapos nagkita sila lately, okay naman usapan nila at they both agree na maging friends uli."

"So? anong meron doon?" natigil ako, ano nga bang gusto kung itanong?

"Direk kasi yung dalawang magfriend na yun dati silang mag-MU pero hindi kasi pinili ni friend yung friend niyang ka-MU niya."

"Oh, ang gulo so ano nga ang gusto mong sabihin?"

"Yun nga Direk, okay lang ba na-- ay wait!" napakamot ako ng ulo kasi maski ako naguguluhan din. "Wait Direk, bakit po ba ako nagtatanong!?" nakagat ko ang kuko ko. "Hindi naman tanong yung sinasabi ko, nag kwento ako." dagdag ko pa.

"Are you okay Eidanne? you ask me pero you keep answering yourself..." tatawa tawa si Direk. "Direk kasi hindi siya nagpaalam sa friend niya na uuwe siyang Cebu, its been how many weeks since nagkamustahan sila."

"Danne tell your friend to be honest on what he or she feels. Dati silang mag-MU maybe your friend is inlove to this guy pero late lang niya narealized."

"Hindi ako inlove sa kanya okay! I just feel happy na okay uli kami pero gusto ko uli siyang makabonding gaya ng dati." madamdamin kong saad.

"Excuse me? are we still talking about your friends friend? or that friend is you?"

"Oo nga po yung friend ko." tinapik ni Direk Cath ang balikat ko, at niyugyog ako. "Tense ka lang anak, stop denying mukhang may feelings ka pa sa kanya." tumaas ang kilay ni Direk. Ang lalim ng buntong hininga ko.

"Nakamove on na yun sa akin Direk, gaya ko baka hindi din malalim yung pagkagusto niya sa akin before. Eh sa nagmahal ako ng maling tao eh ngayon bumalik siya feeling ko para akong nakalutang sa hangin..."

"Alam mo Director ako, pero sa dami ng pelikula na nagdaan sa kamay ko ay alam ko na solution dyan sa problema mo. First you have to admit na you somehow regret not choosing him before, two don't deny your feelings for him. Sige na lets go back to work."

"Okay po, ubusin ko lang tong kape." kumunot ang noo ni Direk. "Inlove ka nga, kanina pa ubos ang kape mo hija." nginuso niya yung cup ko ng silipin ko wala nga talagang laman.

NATAPOS ang tapping namin diretso uwi ako sa condo ni Sixty. Pagpasok ko pa lang sa unit niya ay nandilat ang mata ko. "Oh! kailan ka naluwas? I thought you are in Cebu?"

"I was." lumabas naman bigla si Sixty, hawak niya yung anak ko may dala siyang juice, palihim ko siyang pinandilatan, hindi man lang nagtext na nandito pala tong lalaking matagal ko ng hinahanap.

"Wait bihis lang ako." hinila ko na din si Sixty. "Anong meron? bakit nandito siya? did you invite him?"

"Hindi bakla!" binigay niya yung anak ko sa akin. "At saka friends naman tayo before ah, nangamusta lang siya."

Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon