WHAT SHOULD I wear? ito bang blue dress from Prada or this yellow knee length dress from Givenchy?
"Magpantalon ka na lang at t-shirt na Dolce and Gabbana." lumipad ang masama kong tingin kay Sixty. Nasa pintuan siya, buhat buhat ang anak ko at parehas silang nagpapapak ng milo sa sachet.
"Family dinner to with the Ortaleja girl, ipapakilala ako ni Isaac sa father niya kaya I need to be formal at desente para naman di rin mapahiya si Isaac sa akin."
"Hala s'ya! ikaw ha ibang level na to, meet his parents na pala."
"Anong ibang level, hoy nagmeet na kami ng mama niya before. Si Senyor Ortaleja ngayon pa lang, alam mo naman ang rumor tungkol sa matandang yon diba." umupo na sila sa gilid ng kama, nandoon naman nakalapag yong dress na kanina ko pa pinagpipilian.
"Girl rumor lang pala so walang --ay baby bakit mo binuhos!" sigaw pa niya, paglingon ko sa anak ko ay tinaktak pala niya yong milo niya sa yellow dress kaya nagkalat doon ang powder.
"Anak naman!" saway ko, kinuha ko ang yellow dress at tinupi para di mahulog yong mga powder. "Oh! Mukhang nakapili na ang anak mo ng susuotin mo, yan na." tukoy ni Sixty sa naiwang blue dress na prada. I guess I have to wear that one.
"Ikaw talaga Marie." pabiro ko na lang kinurot ang pisngi niya, imbes na umiyak ay tumawa lang ito
"Anong oras ka daw ba susunduin ni Isaac?"
"Seven ang dinner, mga six pa lang daw."
"Ready ka na ba kong sakaling alukin ka niya ng kasal?" nangunot noo ko. Anong pinagsasasabi nito. "Malayo pa yan, di pa nga namin napag-uusapan."
"Oo nga, pero if ever na alukin ka."
"Sixty naman, sino ba namang babae ang ayaw ng ikasal sa taong mahal niya diba. Malalim na usapin ang kasal." ngumuso lang ito sa akin. "Wish you luck sa love life, so happy for you na nakilala mo siya."
"Thank you Sixty."
-
I look myself in the mirror and I feel satisfied sa kinalabasan ng pag-aayos ko. I keep it simple as it is para naman looking fresh at hindi haggard looking.
May kumatok na sa pinto ng kwarto. Its Sixty. "Cinderella nandito na yong prince charming mo, paalala ko lang sayo umuwi ka kaagad bago mag alas dose ng hating gabi kasi baka maging palaka ka."
"Loka loka to." lumabas na kami sa prehas at nakita ko siya, simple lang ang suot niya. Naka long sleeve lang siya at nakatupi yong bawat dulo. Sakto naman sa suot ko, buti hindi ako nag-over dress.
"Gwapo ah." nakaupo sa lap niya si Marie. "Mama can I come with you?" nakatinginan kaming dalawa ni Isaac.
"Naku baby next time na lang ha." sabi ko pa, parang hindi kasi good timing magdala ng bata. Hinalikan ni Isaac ang noo ng anak ko.
"Next time baby sasama ka namin." salamat at likas na maunawain ang anak ko kaya tumango lang ito, kinuha naman agad ni Sixty si Marie.
"Tara na pogi." humalik siya sa akin. "Yes ganda, tara na. Ready ka na ba?"
"Kabaso pero keri lang." nagsabay pa kaming nagtawanan.
Pagbaba namin ay nagulat ako dahil ang ganda ng kotse niya. "Wow chicks to ah." hinaplos ko ang kanyang blue viper. "Nagustuhan mo ba? Bilhan kitang isa."
"Lol! may kotse na ako." pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagpasok siya agad ko siyang tinulak palabas. "Bakit?" takang tanong niya.
"Ako na magda-drive." sabi ko pa. "Sure, yun lang ba?"
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty Armor
General FictionShe's a star whose bright is in the edge of downfall, can someone save a dying star?