This is a new life! sobrang gaan ng pakiramdam ko, ang sarap ng tulog ko kahit na kaunting oras lang iyon. Ngayon ay nasa Isla Santa Verde na ako, kulang ang sabihin na 'mahirap itong puntahan!', sobrang hirap nitong puntahan! Laking pasasalamat ko sa Yaya ni Sixty dahil kahit gabi na ay talagang nageeffort ito sa akin na sunduin ako sa airport kahit na mahigit dalawang oras ang biyahe.
Sobrang ganda ng Isla Santa Verde! kaunti lang ang tao rito at the rest puro na beach at kagubatan, pwede na itong icompare sa Faroe Island sa abroad. Hindi polluted, hindi crowded, walang mangangahas na pumunta dito kasi sobrang layo at wala namang dadayuhin na sobrang laking lugar.
Kasalukuyan akong nanunuluyan sa isang cottage na inuupahan ko na pagmamay-ari ng isang sigang matanda dito sa isla. According kay Yaya Ising si Mamang Alimang ay ang unang taong nanirahan dito sa isla, pinaglaban umano nito ang isla ng gustong ibenta ng goberno ang lupa para gawing panambak sa ginagawang artificial island sa abroad. Hanggang sa binigay na lang ito ng government sa matanda bilang paggalang sa kanya dahil si Mamang Alimang ay itinuturing na national treasure dahil ito na lang ang huling 'mambabatok ng tribong Ligbok at probably the last person of the tribe' . Kung may Apong Whang Oh sa luzon, si Mamang naman ang sa Mindanao.
"Grabe ang ganda!" sigaw ko ng makita ko ang sunrise, agad nawala ang lahat ng agam agam ko sa buhay, parang may instant realization na yung breakup namin ni Alfred Jay ay wala namang kwenta! "Ang aga ah." napalingon ako, at gulat ako ng makita ko Mamang Alimang na may bitbit na nigo sa ulo at may bitbit itong mga likay na gagawin ata niyang panggatong. Sa edad na 87 ay talagang malakas pa ito.
"Opo, gusto ko pong tignan yung sunrise. Alam n'yo naman po sa Manila walang ganitong view, puro po kasi building. " Tinulungan ko naman ito na dalhin sa bahay niya na yari sa bato ang mga bitbit niya.
Pagdating namin sa bahay niya ay
napatingin ako. Ang laki pala nito, ang ganda!, ito lang ata ang bahay na cementado the rest ng bahay ay yari sa kawayan. Siya ang may ari ng anim na Cottage na pinapaupahan sa mga gustong bumisita."Mang hindi po ba kayo nag-asawa?" hindi ko alam kong saan ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya ng ganon gayong di naman kami close. Nagsindi ito ng tabako na yari sa patay na dahon.
"Wala, pero mi anak ako ga ah. Yung isa nasa bayan, yung dalawa ko nasa luzon."
"Bakit po ang layo?" suddenly, I feel like I had a freedom to enjoy talking to people which is di ko nagagawa dati dahil pinapaiwas ako sa mga makukulit na fan na halos mahubaran na ako sa sobra kung makakapit sa akin. "Nagsipag-asawa na sila eh, di ko naman sila pwede ikulong lang dini sa isla ga."
"Nalulungkot po ba kayo?" napalunok ako ng hasain niya sa harapan ko ang itak niya.
"Hindi na ngayon dahil dadating yung gwapo kong apo.""Edi masaya po..."
"Kakasabi ko lang diba? tsk! gwapo yun malaki titi baka magustuhan mo." Nanlaki naman ang mata ko. "P-po?"
"Basta pakilala ko sayo, wala girlprin yun, pero por sure di na yun virgin." Napahalakhak ako sa way na pagsasalita niya, grabe!
"Saan po siya galing Mang?"
"Sa Manila. Maiba tayo bakit ka nga pala nagpunta dini? nakwento sa akin ni Ising ay may problema ka daw?"
"Ay mang wala yun." nagpakawala muna ako ng buntong hininga. "Mang anong dapat gawin kong nagmahal ka ng isang maling tao?"
"Wag mo na mahalin, mali nga diba." hindi ko na lang yung sinagot.
"Basta Mang hayaan nyo muna akong magbakasyon dito sa Isla." Yun kasi ang paalam ni Yaya Ising, dapat daw magbigay galang kami kay Mamang dahil siya ang may-ari ng isla at lahat ng tinatayuan ng bahay ay pag-aari niya. "Sige enjoy mo lang. Mamaya may handaan ako dito. papaihaw ko ang baboy ko, tulungan mo kami dito sa kusina ha, magluluto ako dahil darating ang apo ko."
BINABASA MO ANG
Ortaleja's Bastard 1: Knight in Rusty Armor
General FictionShe's a star whose bright is in the edge of downfall, can someone save a dying star?