Umaga na,kailangan ng gisingin
Ang natutulog na damdamin
Huwag ng maniwala sa kasinungalingan
At gumising na sa katotohanan
Ilang minuto na lang at iingay
Ang alarm clock na inilagay
Sa teleponong pawang katotohanan
Lamang ang paninindigan
Sa saktong oras
Ika'y gigisingin ng wakas
Sa malakas na tunog
Walang sinuman ang 'di mauuntog
Sa ingay nitong parang ambulansya
Tila nagtago na at wala na sya
Dahil nagising na
At isang panaginip lang pala
Ang pagtagpuin kayo muli
At hinding hindi mauulit muli
Ang mga sinumpaang pangako
Ay sadyang ito'y tuluyan ng mapapako
Kaya sa oras na ito
Sakto ang oras mo
Para lisanin ang panagip
At ikay hindi na maiidlip
Gigisingin ang puso,
Lilimutin ang pagibig mo
Dahil ito'y isang panaginip lang
At ito'y mapanlinlang
Salamat sa paggising mo,
Sa natutulog na puso
At di na muling matutulog
Kung ikaw muli ang makakasamang mahulog
Sa alarm clock na ito
Tama ang oras at minuto
Ito'y hindi mandaraya sayo
At tutunog kapag sakto ang oras at minuto
![Thoughts [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/213145205-64-k329335.jpg)