Puso mo na a'y magpapahinga
Siya ay pagod na pagod na
At natatakot na din siya
Baka iyon ay maulit pa.Magpapahinga na'ng puso
Napagod na talaga ng husto
Sa mga nagawang sakripisyo
Lalo na sa mga sakit na natamo.Pagod na sa bigat na nararamdaman
Pagod na sa kadala-dala niyan
Pagod na ring maiwanan
Sa hindi malamang dahilan.Ilang beses nadaramang sakit
Ilang beses lumuhang paulit-ulit
Kaya mamahinga ng 'di saglit
Matagalan dahil ayaw maulit.Ayaw na ng puso magkasugat
Marami na'ng naging lamat
Mga lamat na natanggap
Sa pagmamahal ng sapat at tapat.Puso ay sawang-sawa na
Sa mga sakit na nadarama
Mga sakit na ininda
Sa pagmamahal ng sobra
![](https://img.wattpad.com/cover/213145205-288-k329335.jpg)