Sa pagbulaklak mo sa mundong to
Ang katiyakan ko sa'yo
Ay ang pag-gabay sa pagbusilak ng kalooban mo.
Upang ika'y maging mabuti sa kapwa tao.
Taas noo, kahit saan man madayo.Ang paglalakbay sa Lupang Sinilangan
Iyong asahan,
Na maraming pagsubok ang kailangan lampasan.
Kasing taas ng mga alon sa Karagatan.
Madalas walang nakakakamit na katarungan.Ngunit 'wag mag-alala aking munting Prinsesa
Pawiin na ang iyong pangamba,
Sa pagkat ako'y naririto, ang iyong Ama.
Kung madapa ma'y, aakayin upang ibangon ka.
Sa kabiguan, ako'y narito upang makinig sayo
At lapatan ka ng payo.
Dumilim man ang iyong kalangitan
Ako'y magsisilbing Sikat ng Buwan
Upang ika'y magabayan sa tamang paroroonan.
![](https://img.wattpad.com/cover/213145205-288-k329335.jpg)