Ako ay Nakatulala
Sa Lugar kung saan walang madla
At ang isipan ko'y binabaha
Ng mga hindi kk nasabing salita.Ako ay nasa Dagat parin
At ang bawat ihip ng hangin
Ay simbolo ng aking dalangin
Na sana Siya ay mapasa akin.Ang mga puno ng Niyog
Ay gaya ng pagmamahal kong matayog
Mataas at hindi makasarili
Sapagkat sa Kanya ay nawiwili.Ang bawat butil ng buhangin
Ay Parang pag ibig kong hindi kapusin
Bilyong-bilyong dadamin
Pag ibig sa kanya na hindi inamin.Ang Bawat alon na Humahampas
Ay parang mga sandaling aking ipinalagpas
Mga bagay na matagal ko nadapat sinabi
Ngayon ako'y ginagambala ng pagsisisi.