Sana makasama kita
Hanggang sa ating pagtanda
Hanggang tayong dalawa
Ay mawalan ng hininga
Pero syempre dapat maging tayo muna
Mahal moko at mahal din namn kita
Diba kilala nako ng iyong pamilya
Boto pa nga sila sating dalawa
Pero bakit ganon?
Hindi mo parin masagot ang aking tanong
Bakit hindi pa tayo pwedeng maging magkarelasyon
Kase hanggang ngayon
Tayong dalawa ay magkaibigan
Hanggang dun na lang ba ang ating turingan?
Pipigilan pa ba natin ang totoo nating nararamdaman?
Kung pwede namn tayong maging magkasintahan
Pero sa wakas
Sinimulan na natin ang kwento nating walang wakas
Wagas na pag-iibigan at kailanman hindi kukupas
Kahit ilang taon pa ang lumipas
Kase tayo na
Sinabi mo na ang pinakahihintay kong kataga
Salita na hinihintay na marinig ng aking mga tenga
Ito ay ang "tayo na" "sinasagot na kita"
Pagkatapos mong sabihin ang mga salitang ito
Biglang bumagal ang ikot ng mundo
Dahil sa wakas
Ang pinakahihintay kong salita ay iyo ng binigkas
Pinapangako ko
Umaraw man o umulan
Lagi kitang sasamahan
At sa mga araw na ikaw man ay malungkot o masaya
Asahan mong lagi mo kong kasama
Pinapangako ko yan
Sa ilalim ng buwan
Na tayong dalawa ay lubos na magmamahalan
At kailanman hindi magkakasakitan
At bawat problemang dumaan
Pinapangako ko sabay natin itong lalagpasan
At hinding-hindi nito masisira ang ating samahan
Dahil ang ating pagmamahalan ay pangmatagalan
Na tayong dalawa ay magkahawak kamay
Hanggang sa kabilang buhay
Pero aking ng napag isip-isip na kailangan ko ng gumising sa katotohan Na ikaw ay aking imahinasyon lamang
![Thoughts [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/213145205-64-k329335.jpg)