P22: Ikaw ang Paksa

15 5 0
                                    

Ikaw ang magiging Paksa
Ng aking isinusulat na Tula
Ikaw ang magiging Paksa
At ako Mag sisilbing mga laman ng tula

Sa Tulang Ito
Ikaw At Ako ay nag katagpo
Ang Bawat Mga salita Ay Nag katugma
Sa Loob na Ng Isang Tulang Ikaw ang Paksa

Tulang ikaw ang naging paksa
Hindi hindi kayang mag isa
Kapag walang Nilalaman kahit isa
Kung Kaya't Nandito ako Kasama ka

Ikaw ang may Pinakamagandang titulo
Ngunit lahat ng Tula ay May dulo
Sa Madaling salita Matatapos Din Tayo
Matatapos din ang tulang Ito

Ang Bawat tula ay May mga Wakas
Tulad ng Samahan Nating nag wakas
Matatapos ang bawat Tugma sa tula
Mag Hihiwalay Rin ang Mga Nilalaman sa Paksa

Akin nnag Lalagyan Ng Tuldok ang Tula
Tatapusin ang Mga Nilalamang mga Tugma
Ititigil ang Pagbuo ng Mga Malikhaing mga Salita
Hindonh hindi kailanman madudugsungan pa 'pagkat nag wakas na.

Thoughts [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon