Masakit Isipin ang nangyari sa nakaraan
Ngunit kailangan Kong bumangon at ito'y kalimutan
Ngunit sa paanong paraan?
Kung labis akong nadurog at nasaktan
Labis ang Dinulot mong sakit
Mga salitang binitawan Mong kay Pait
Hinding hindi ko malimutan
Lalo na Ung panahong ako'y iyong Iniwan at Sinaktan.
Binuo mo ang Pira-piraso kong puso
Ngunit anong ginawa mo, At Dinurog mo ulit ito
Nasaktan na nga ako, Sinaktan mo pa
Bumitiw ka, Nanakit ka, at nang iwan pa
Siguro panahon na Upang Kalimutan ka
Kalimutan ang Nakaraan nating dalawa
Kalimutan ang sakit na dinulot mo
At kalimutan na iniwan Mo ako
Babangon akong mag isa
Bubuo ulit ako ng mga bagong alaala
Kung saan Hindi ka kasama
Kung saan, Ako naman ang dapat na masaya
Sa Pag bangon kong ito
Ako ay Natuto at Hinding hindi mag papatalo
Handa na ulit ako
Handa ng Mag mahal muli at mag pakatotoo
![Thoughts [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/213145205-64-k329335.jpg)